SUJUD AL-SAHU

Al-Sahu sa wikang arabik ay nangangahulugang pagkalimot.

At kahit sa ating pagdarasal ay hindi maiiwasan na tayo ay makalimot o malito sa ilang parte ng dasal, kaya’t tayo ay may tinatawag na “Sujud Al-Sahu”, at ito ay dalawang sujud o pagpapatirapa sa huli ng ating dasal, upang maging kapalit sa anuman ang ating nakalimutan o nakaligtaan mula sa mga obligadong parte ng Salah.

 

At ito ay maari nating gawin sa lahat ng salah(dasal), ito man ay obligadong salah o kusang loob.

 

Tatlo ang dahilan ng “Sujud Al-Sahu”, at ito ay dahil tayo’y may nagawa na: dagdag, kulang at pagdududa sa salah.

 

Kapag tayo ay nakalimot at nakadagdag sa salah, katulad ng: sobrang pagyuko, pagpapatira, o pag-upo; kinakailangan na tayo ay magsagawa ng sujud al-sahu pagkatapos ng tasleem.

 

At kung tayo naman ay nakalimot at nagkulang sa mga haligi sa salah, katulad ng: pagyuko at pagpapatirapa; kinakailangan na ito ay ating gawin upang pagkumpleto sa salah, at magsasagawa ng sujud al-sahu pagkatapos ng tasleem.

 

At kapag ang ating kulang naman ay obligado sa salah, katulad ng: pag-upo para unang Tashahhud, ito ay hindi na kinakailangan balikan, at magsasagawa lamang ng sujud al-sahu bago magtasleem.

 

At sa pagkakataon na tayo ay may duda sa ating salah, hindi sigurado kung tayo ba ay nasa pang tatlo o apat na bilang, dito ay ating kukunin ang mas kaunti dahil yun ang sigurado. Kanyang panghahawakan ang tatlo at hindi ang apat, at magsasagawa  ng sujud al-sahu bago magtasleem.

 

Buod ng ating nabanggit:

Sujud Al-Sahu bago magtasleem. Sujud Al-Sahu pagtapos ng tasleem.
Kapag nakaligtaan ang Wajid (Obligado) sa Salah. Kapag nakalimot ng Rukn (Haligi) sa Salah (ito man ay dagdag o kulang).
Kapag nagkaroon ng duda sa bilang.  

 

At kapag Sujud Al-Sahu ang mismong nakalimutan isagawa pagkatapos ng tasleem, ito ay dapat balikan, maliban nalang kung sobrang tagal bago ito naalala(hindi na kaya habulin) at nasira na ang wudhu, hindi na ito dapat balikan.

 

Kung ang Imam (nangunguna sa salah) ang nakalimot, ang mga Ma’mum (mga nasa likod ng Imam) ay susunod sa Sujud Al-Sahu, sila man ay nakalimot rin o hindi. At kapag ang Ma’mum ang nakalimot at hindi ang Imam, hindi na kailangan ng Sujud Al-Sahu ng Ma’mum.

 

Sa pagkakataon na nakalimot ng maraming beses, sapat na ang isang Sujud Al-Sahu. Naiulat ni Abu Hurairah رضي الله عنه , na ang Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi: “Darating ang Satanas sa inyong salah para guluhin, kung saan kayo ay magdududa kung ilan na ang inyong nadasal, at kapag ito ay nangyari, kayo ay magsagawa ng dalawang pagpapatirapa (Sujud Al-Sahu)”.

 

ANG ARAW NG TARWIYAH

Araw ng Tarwiyah ay ang ikawalong araw ng Dhul-Hijjah, ito ang araw na magsisimula ang mga gawain ng mga nagsasagawa ng Hajj o pilgrimahe, ito ay pinangalanan  sa wikang arabik na “Tarwiyah” sa ibigsabihin nito na paghahanap o pag-iipon, dahil ang mga nagsasagawa ng Hajj noon ay naghahanap ng tubig sa araw na ito, bilang paghahanda bago dumating ang araw ng Arafah.

 

Pagtapos ng sikat ng araw sa Araw ng Tarwiyah, ang mga nagsasagawa ng Tamatt’u ay mag-iintensyon o tinatawag na Ihram ng Umrah para sa kanilang Hajj sa lugar na kung saan sila ay nananatili. Sila ay maaring maligo, magpabango at magsagawa ng dalawang rak’ah na dasal bilang sunnah sa pagtapos ng wudhu.

 

Ang mga nagsasagawa naman ng Qiran at Ifrad ay mananatili sa unang Ihram o intensyon nila, ang magiging paraan ng kanilang pag-iintensyon ay pagsabi ng: “Labayka Hajjan” kung ang Hajj naman na ito ay para sa iba, kanyang sasabihin ay:

Labayka Allahumma an (at babanggitin ang pangalan ng tao)”.

 

At ipinag-uutos na pagtapos ng pag-iintensyon, ang pagrami sa pagbigkas ng Talbiyah: “Labayka allahumma labayk, labayka la sharika laka labayk, innal hamda wa ni’mata laka wal mulk, laa sharika lak”.

 

At sa tao na nakakaramdam ng dahilan na kung saan maaaring hindi nya makumpleto ang kanyang Hajj, maari nyang sabihin ang: “Allahumma mahilli haythu habastani”, para sa pagkakataon na hindi nya makumpleto ang kanyang Hajj, hindi na nya kailangan mag-alay ng tupa bilang kabayaran at makakabalik na sya sa kanyang pinanggalingan, at kung wala namang dahilan na hindi nya makukumpleto ang kanyang Hajj, hindi na nya kailangan sabihin ito.

 

Hindi parte ng katuruan ng Propeta Muhammad ﷺ, ang pumunta pa sa Masjid Al-Haram o anumang bahay dasalan para lang magsagawa ng intensyon, dahil ayon sa hadith ni Jaber رضي الله عنه  , sila ay inutusan ng Propeta Muhammad ﷺ na mag-intensyon habang sila ay patungo  Mina pagtapos ng kanilang umrah, kaya’t sila ay nagsagawa ng intensyon kung saan sila ay namamalagi sa mga oras na iyon.

 

Kabilang naman sa turo ng Propeta Muhammad ﷺ, ang  pagpunta sa Mina bago ang Dhuhr, at sa Mina na sila magdadasal ng Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha at Fajr, sa mga maiiksi nitong bilang ng hindi pinagsasama ang mga dasal, sa naiulat ni

Ibn Omar رضي الله عنهماna ang Propeta Muhammad ﷺ ay nagdasal lamang ng dalawang rak’ah kasama si Abu-Bakar, Omar at Uthman رضي الله عنهم.

 

شهر الله المحرم باللغة الفلبينية

ANG BUWAN NG ALLAH “AL-MUHARRAM”

Ang buwan ng Muharram ay buwan ng Allah, ito ang unang buwan sa taon ng Hijri.

 

Ang buwan ng Muharram ay kasama sa sagradong buwan na nabanggit sa sinabi ng Allah سبحانه و تعالى:

“Ang bilang ng buwan sa Allah ay labindalawang buwan, ito ay nasa aklat ng Allah, mula sa araw ng pagkalikha ng mga langit at lupa, at dito ay nabibilang ang apat na sagradong buwan…”.

 

Ang mga sagradong buwan na nabanggit ay apat, at ito ay: Dhul-Qa’dah, Dhul-Hijjah, Al-Muharram, Rajab.

 

Katulad ng nilinaw ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, nasabi na ito ay buwan ng Allah سبحانه وتعالى tanda na ang Muharram ay dakila at sagrado.

 

Ayon sa naiulat ni Abu Hurairahرضي الله عنه sinabi  ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :

“Ang pinakamainam na pag-aayuno pagkatapos ng pag-aayuno sa Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram; at ang pinakamainam na Salah pagkatapos ng limang obligado ay ang Salah sa gabi”.

 

Ang paggawa ng hindi makatarungan sa mga sagradong buwan na ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Sinabi ng Allah سبحانه وتعالى:

“Huwag ninyong gawan ng hindi makatarungan ang inyong mga sarili sa loob ng mga sagradong buwan na ito”.

 

Walang duda na ang paggawa ng hindi makatarungan ay ipinagbabawal sa lahat ng oras, ngunit ang kasalanan na ito ay mas higit sa mga sagradong buwan na ito.

 

Ito ay naiulat ni Ibn Abbas رضي الله عنهما sa nabanggit na talata:

“Huwag kayong gumawa ng hindi makatarungan sa lahat ng buwan”.

 

At ihinuli ang apat na sagradong buwan bilang pagbibigay ng mas higit na babala; sapagkat ang pagsasagawa ng hindi makatarungang bagay sa mga buwan na ito ay mas malaking kasalanan; kasabay ay ang pagpapaliwanag naman sa pagsagawa ng kabutihan kung saan ay makakamit dito ang mas malaking gantimpala”.

 

Maituturing na mainam na kusang-loob na pagsamba ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram; at ito ang susunod pagkatapos ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Sa Hadith ng Propeta Muhammad صلى الله عليه و سلم ay kanyang sinabi:

“Ano ang susunod na mainam na dasal pagkatapos ng limang obligado? At ano ang susunod na mainam na pag-aayuno pagkatapos ng buwan ng Ramadhan?

 

Ang susunod na mainam na dasal pagkatapos ng limang obligado ay dasal sa gabi; at ang susunod na mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram”.