ANG BUWAN NG ALLAH “AL-MUHARRAM”
Ang buwan ng Muharram ay buwan ng Allah, ito ang unang buwan sa taon ng Hijri. Ang buwan ng Muharram ay kasama sa sagradong buwan na nabanggit sa sinabi ng Allah سبحانه و تعالى: “Ang bilang ng buwan sa Allah ay labindalawang buwan, ito ay nasa aklat ng Allah, mula sa araw ng pagkalikha ng mga langit at lupa, at dito ay nabibilang ang apat na sagradong buwan…”. Ang mga sagradong buwan na nabanggit ay apat, at ito ay: Dhul-Qa’dah, Dhul-Hijjah, Al-Muharram, Rajab. Katulad...
ANG BUWAN NG ALLAH “AL-MUHARRAM”
Ang buwan ng Muharram ay buwan ng Allah, ito ang unang buwan sa taon ng Hijri.
Ang buwan ng Muharram ay kasama sa sagradong buwan na nabanggit sa sinabi ng Allah سبحانه و تعالى:
“Ang bilang ng buwan sa Allah ay labindalawang buwan, ito ay nasa aklat ng Allah, mula sa araw ng pagkalikha ng mga langit at lupa, at dito ay nabibilang ang apat na sagradong buwan…”.
Ang mga sagradong buwan na nabanggit ay apat, at ito ay: Dhul-Qa’dah, Dhul-Hijjah, Al-Muharram, Rajab.
Katulad ng nilinaw ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, nasabi na ito ay buwan ng Allah سبحانه وتعالى tanda na ang Muharram ay dakila at sagrado.
Ayon sa naiulat ni Abu Hurairahرضي الله عنه sinabi ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :
“Ang pinakamainam na pag-aayuno pagkatapos ng pag-aayuno sa Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram; at ang pinakamainam na Salah pagkatapos ng limang obligado ay ang Salah sa gabi”.
Ang paggawa ng hindi makatarungan sa mga sagradong buwan na ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Sinabi ng Allah سبحانه وتعالى:
“Huwag ninyong gawan ng hindi makatarungan ang inyong mga sarili sa loob ng mga sagradong buwan na ito”.
Walang duda na ang paggawa ng hindi makatarungan ay ipinagbabawal sa lahat ng oras, ngunit ang kasalanan na ito ay mas higit sa mga sagradong buwan na ito.
Ito ay naiulat ni Ibn Abbas رضي الله عنهما sa nabanggit na talata:
“Huwag kayong gumawa ng hindi makatarungan sa lahat ng buwan".
At ihinuli ang apat na sagradong buwan bilang pagbibigay ng mas higit na babala; sapagkat ang pagsasagawa ng hindi makatarungang bagay sa mga buwan na ito ay mas malaking kasalanan; kasabay ay ang pagpapaliwanag naman sa pagsagawa ng kabutihan kung saan ay makakamit dito ang mas malaking gantimpala”.
Maituturing na mainam na kusang-loob na pagsamba ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram; at ito ang susunod pagkatapos ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Sa Hadith ng Propeta Muhammad صلى الله عليه و سلم ay kanyang sinabi:
“Ano ang susunod na mainam na dasal pagkatapos ng limang obligado? At ano ang susunod na mainam na pag-aayuno pagkatapos ng buwan ng Ramadhan?
Ang susunod na mainam na dasal pagkatapos ng limang obligado ay dasal sa gabi; at ang susunod na mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram”.
ANG BUWAN NG ALLAH “AL-MUHARRAM”
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device