
ANG ARAW NG TARWIYAH
Araw ng Tarwiyah ay ang ikawalong araw ng Dhul-Hijjah, ito ang araw na magsisimula ang mga gawain ng mga nagsasagawa ng Hajj o pilgrimahe, ito ay pinangalanan sa wikang arabik na “Tarwiyah” sa ibigsabihin nito na paghahanap o pag-iipon, dahil ang mga nagsasagawa ng Hajj noon ay naghahanap ng tubig sa araw na ito, bilang paghahanda bago dumating ang araw ng Arafah. Pagtapos ng sikat ng araw sa Araw ng Tarwiyah, ang mga nagsasagawa ng Tamatt’u ay mag-iintensyon o tinatawag na Ihram ng...
ANG ARAW NG TARWIYAH
Araw ng Tarwiyah ay ang ikawalong araw ng Dhul-Hijjah, ito ang araw na magsisimula ang mga gawain ng mga nagsasagawa ng Hajj o pilgrimahe, ito ay pinangalanan sa wikang arabik na “Tarwiyah” sa ibigsabihin nito na paghahanap o pag-iipon, dahil ang mga nagsasagawa ng Hajj noon ay naghahanap ng tubig sa araw na ito, bilang paghahanda bago dumating ang araw ng Arafah.
Pagtapos ng sikat ng araw sa Araw ng Tarwiyah, ang mga nagsasagawa ng Tamatt’u ay mag-iintensyon o tinatawag na Ihram ng Umrah para sa kanilang Hajj sa lugar na kung saan sila ay nananatili. Sila ay maaring maligo, magpabango at magsagawa ng dalawang rak’ah na dasal bilang sunnah sa pagtapos ng wudhu.
Ang mga nagsasagawa naman ng Qiran at Ifrad ay mananatili sa unang Ihram o intensyon nila, ang magiging paraan ng kanilang pag-iintensyon ay pagsabi ng: “Labayka Hajjan” kung ang Hajj naman na ito ay para sa iba, kanyang sasabihin ay:
“Labayka Allahumma an (at babanggitin ang pangalan ng tao)”.
At ipinag-uutos na pagtapos ng pag-iintensyon, ang pagrami sa pagbigkas ng Talbiyah: “Labayka allahumma labayk, labayka la sharika laka labayk, innal hamda wa ni’mata laka wal mulk, laa sharika lak”.
At sa tao na nakakaramdam ng dahilan na kung saan maaaring hindi nya makumpleto ang kanyang Hajj, maari nyang sabihin ang: “Allahumma mahilli haythu habastani”, para sa pagkakataon na hindi nya makumpleto ang kanyang Hajj, hindi na nya kailangan mag-alay ng tupa bilang kabayaran at makakabalik na sya sa kanyang pinanggalingan, at kung wala namang dahilan na hindi nya makukumpleto ang kanyang Hajj, hindi na nya kailangan sabihin ito.
Hindi parte ng katuruan ng Propeta Muhammad ﷺ, ang pumunta pa sa Masjid Al-Haram o anumang bahay dasalan para lang magsagawa ng intensyon, dahil ayon sa hadith ni Jaber رضي الله عنه , sila ay inutusan ng Propeta Muhammad ﷺ na mag-intensyon habang sila ay patungo Mina pagtapos ng kanilang umrah, kaya’t sila ay nagsagawa ng intensyon kung saan sila ay namamalagi sa mga oras na iyon.
Kabilang naman sa turo ng Propeta Muhammad ﷺ, ang pagpunta sa Mina bago ang Dhuhr, at sa Mina na sila magdadasal ng Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha at Fajr, sa mga maiiksi nitong bilang ng hindi pinagsasama ang mga dasal, sa naiulat ni
Ibn Omar رضي الله عنهماna ang Propeta Muhammad ﷺ ay nagdasal lamang ng dalawang rak’ah kasama si Abu-Bakar, Omar at Uthman رضي الله عنهم.

ANG ARAW NG TARWIYAH
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device

( وماهو على الغيب بضنين ) viņš nav skops attiecībā uz atklāsmi, nedz arī slinko vēstījuma nodošanā un mācīšanā, bet gan sniedz visas zināšanas, kuras cilvēks ir gatavs saņemt, atšķirībā no zīlniekiem." Zīlnieki neko nedod, nemāca un nesniedz zināšanas, kuras apgalvo zinām, izņemot par samaksu.
April 22, 2025