
Sa unang sampung gabi sa buwan ng Dhul Hijjah
Sa unang sampung gabi sa buwan ng Dhul Hijjah Paano sasalubungin ang mga araw na ito? Ayon sa naiulat ni Ibn Abbas (kalugdan nawa sya ni Allah), sinabi ng Propeta Muhammad (suma kanya nawa ang kapayapaan ni Allah), "Walang araw na ang mabuting gawain dito ay lubos na minamahal ni Allah maliban sa mga araw na ito (unang sampung araw sa buwan ng Dhul Hijjah). Sila'y nagtanong: O Sugo ni Allah kahit ang pakikibaka para sa landas ni Allah? Sumagot ang Sugo ni Allah: "Kahit ang pakikibaka para sa landas...
Sa unang sampung gabi sa buwan ng Dhul Hijjah
Sa unang sampung gabi sa buwan ng Dhul Hijjah
Paano sasalubungin ang mga araw na ito?
Ayon sa naiulat ni Ibn Abbas (kalugdan nawa sya ni Allah), sinabi ng Propeta Muhammad (suma kanya nawa ang kapayapaan ni Allah), "Walang araw na ang mabuting gawain dito ay lubos na minamahal ni Allah maliban sa mga araw na ito (unang sampung araw sa buwan ng Dhul Hijjah).
Sila'y nagtanong: O Sugo ni Allah kahit ang pakikibaka para sa landas ni Allah?
Sumagot ang Sugo ni Allah: "Kahit ang pakikibaka para sa landas ni Allah; maliban na lamang sa tao na naglakbay habang dala ang kanyang sarili at kayamanan at sya ay hindi na bumalik nang walang dala".
At ang mabubuting gawain ay papasok sa iba't ibang uri ng pagsamba: ito man ay pag-aayuno, pagdarasal, pag-alala, pagdakila sa Allah, pagbabasa ng Qur'an, pagbibigay ng kawanggawa para sa ikakabuti at iba pa.
At ang mga pangunahing gawain sa mga araw na ito ay:
1-Ang pag-aayuno (maliban sa ikasampung araw).
Naiulat ng ilan sa mga maybahay ng Sugo ni Allah (suma kanya nawa ang kapayapaan ni Allah) kanyang sinabi: "Ang Propeta ni Allah ay nag-aayuno sa unang siyam na araw sa buwan ng Dhul Hijjah, lalo sa araw ng Arafah na kung saan ito'y pagpapatawad ng ating dalawang taon na kasalanan".
2- Ang Hajj (pilgrimahe o paglalakbay patungo sa Makkah), at ito ang pinakamainam na gawain sa mga araw na ito, sinabi ng Propeta Muhammad (suma kanya nawa ang kapayapaan ni Allah): "Walang gantimpala ang tanggap na Hajj maliban sa paraiso".
3- Udhhiyah (pag-aalay), ito'y higit na inirerekomenda; sinuman ang nais gawin ito, kinakailangan niyang iwasan na gupitan ang kanyang buhok at kuko mula sa pagpasok ng Dhul Hijjah hanggang sa araw ng kanyang pag-aalay.
4- Ang palagiang pagsaksi sa kaisahan ni Allah, pagdadakila sa Allah at pagpupuri sa Allah.
Ang Takbeer ay pagsabi ng "Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar, La ilaha illallah, Allahu Akbar, Allahu Akbar wa lillahil hamd".
File | Action |
---|---|
photo_٢٠٢٤-٠٦-٠٦_٢١-٥١-٥١.jpg | Download |

Sa unang sampung gabi sa buwan ng Dhul Hijjah
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device

( وماهو على الغيب بضنين ) viņš nav skops attiecībā uz atklāsmi, nedz arī slinko vēstījuma nodošanā un mācīšanā, bet gan sniedz visas zināšanas, kuras cilvēks ir gatavs saņemt, atšķirībā no zīlniekiem." Zīlnieki neko nedod, nemāca un nesniedz zināšanas, kuras apgalvo zinām, izņemot par samaksu.
April 22, 2025