ANG BUWAN NG RAJAB
ANG BUWAN NG RAJAB Ang buwan ng (Rajab) ay pangpitong buwan sa kalendaryo ng hijri: isa ito sa apat na sagradong buwan na binanggit ng Allah ﷻ sa Quran. Ito ay pambungad sa mabuti at mabiyaya na dalawang buwan; ang shaban at Ramadhan. Ang buwan ng Rajab ay sagrado sa mga arabo, panahon ng (Jahiliyah) bago pa dumating ang Islam . Ang buwan na ito ay tinawag na rajab mula sa (Tarjeeb) ibigsabihin ay pagdadakila, ito ay dahil ang mga arabo sa buwan na ito ay hindi nakikipaggera sa bawat isa. Naiulat...
ANG BUWAN NG RAJAB
ANG BUWAN NG RAJAB
Ang buwan ng (Rajab) ay pangpitong buwan sa kalendaryo ng hijri: isa ito sa apat na sagradong buwan na binanggit ng Allah ﷻ sa Quran.
Ito ay pambungad sa mabuti at mabiyaya na dalawang buwan; ang shaban at Ramadhan. Ang buwan ng Rajab ay sagrado sa mga arabo, panahon ng (Jahiliyah) bago pa dumating ang Islam .
Ang buwan na ito ay tinawag na rajab mula sa (Tarjeeb) ibigsabihin ay pagdadakila, ito ay dahil ang mga arabo sa buwan na ito ay hindi nakikipaggera sa bawat isa.
Naiulat din na itong buwan na ito ay may labing-apat na pangalan tanda na ito ay sagrado; Tulad ng :
Al-Asam: ibig sabihin ay tahimik at ito ay dahil hindi naririnig ang ingay ng ispada sa buwan na ito.
Al-Asab: ibig sabihin ay buhos; dahil naniniwala sila na sa buwan na ito ay bumubuhos ang awa at habag. At marami pang iba.
At ito ay binigyan halaga pa rin ng Islam ngunit hindi nagbigay ng partikular na pagsamba na wala sa ibang buwan. Dahil walang turo mula sa Propeta Muhammad ﷺ tungkol dito.
Sinabi ni Ibn Taymiyyah رحمه الله : “Ang mga hadith na naiulat tungkol sa kahigitan ng buwan ng Rajab at kahigitan ng pag-aayuno dito ay lahat hindi totoo”.
ANG BUWAN NG RAJAB
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device