LA ILAHA ILLA ALLAH
La Ilaha Illa Allah” ay ang pinakadakilang salita, at dahil sa salita na ito ay nilikha ng Allah ﷻ ang sanlibutan, nagpadala ng mga Propeta, at nagbaba ng mga Libro. Ang salitang ito ay salita ng tunay na pagkatakot sa Panginoon, at ito ang salita upang makapasok sa relihiyong Islam, at haligi ng pananampalataya. Ito ang salita na nararapat na ating panghawakan hanggang sa tayo’y abutan ng kamatayan upang ating makamit ang kaligtasan at walang hanggang tagumpay. At ang salitang...
LA ILAHA ILLA ALLAH
La Ilaha Illa Allah” ay ang pinakadakilang salita, at dahil sa salita na ito ay nilikha ng Allah ﷻ ang sanlibutan, nagpadala ng mga Propeta, at nagbaba ng mga Libro.
Ang salitang ito ay salita ng tunay na pagkatakot sa Panginoon, at ito ang salita upang makapasok sa relihiyong Islam, at haligi ng pananampalataya. Ito ang salita na nararapat na ating panghawakan hanggang sa tayo’y abutan ng kamatayan upang ating makamit ang kaligtasan at walang hanggang tagumpay.
At ang salitang ito ay maraming gantimpala at kaigihan na hindi mabubuod ng ating kaalaman, ayon kay Jabir bin Abdullah رضي الله عنهما kanyang narinig ang Propeta Muhammad ﷺ na nagsabi: “Ang pinakamainam na pag-alala sa Allah ay La Ilaha Illa Allah (walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah)”.
Ang tunay na maitatalaga na tagumpay sa buhay kalupaan ay kung sino ang nanindigan at nagparami sa pagsabi ng salitang ito, kahit saan man ang kanyang kinarorooan, at kanyang sinasanay ang kanyang dila sa pagsambit nito at parating pag-alala ng mga kahulugan na pumapaloob rito.
Ito’y panalangin na maaari nating sambitin kahit kailan, at nabanggit rin sa ilang partikular na sitwasyon, dahil sa ganitong pamamaraan ay magiging abala ang isang Muslim sa pagsambit nito, siya man ay patungo sa malayo at malapit, siya man ay mayroong ginagawa o wala, at sa tuwing siya ay matutulog at pagkagising…
Ganoon rin sa tuwing siya ay tatayo’t uupo, magdarasal, mag-aayuno, at sa kanyang pilgrimahe, at isa sa mga posisyon na kung saan hinihikayat ang pagsambit nito ay sa tuwing pagkatapos ng abulosyon, at pagkatapos magising sa gabi, at paggising sa umaga, pagkatapos ng Tasleem sa Salah, lalo na sa tuwing kagipitan at pagsubok.
At sa Araw ng Arafah ang Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi: “Ang pinakamainam na panalangin na aking sinambit at sinambit din ng mga naunang Propeta sa akin ay: Laa ilaha illallah wahdahu la shakira lahu, lahul mulku wa lahu hamdu wa huwa ala kulli shay’in Qadeer (Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay walang katambal, sa Kanya ang kaharian, at sa Kanya ang papuri at pasasalamat, Siya ay Maykapangyarihan sa lahat).
LA ILAHA ILLA ALLAH
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device