
Mga Palatandaan sa Pagdating ng Araw ng Paghuhukom علامات القيامة الصغرى و الكبرى باللغة الفلبينية Filipino
Mayroong mga palatandaan na ipapadala ng Allah ﷻ , at ito ay bago dumating ang Araw ng Paghuhukom, tanda na ang araw na ito ay malapit na. At hinati ito ng mga iskolar sa dalawa: malaking palatandaan at maliit. Ang “Alamaat Sughra” o maliliit na palatandaan ay mangyayare sa mahabang panahon bago pa dumating ang Araw ng Paghuhukom, kung saan ang ilan ay maaring nangyare at natapos na, at ang ilan ay mangyayare ulit. At tunay na ito ay mangyayare, katulad ng mga nasabi ng Propeta Muhammad...
Mga Palatandaan sa Pagdating ng Araw ng Paghuhukom علامات القيامة الصغرى و الكبرى باللغة الفلبينية Filipino
Mayroong mga palatandaan na ipapadala ng Allah ﷻ , at ito ay bago dumating ang Araw ng Paghuhukom, tanda na ang araw na ito ay malapit na. At hinati ito ng mga iskolar sa dalawa: malaking palatandaan at maliit.
Ang “Alamaat Sughra” o maliliit na palatandaan ay mangyayare sa mahabang panahon bago pa dumating ang Araw ng Paghuhukom, kung saan ang ilan ay maaring nangyare at natapos na, at ang ilan ay mangyayare ulit. At tunay na ito ay mangyayare, katulad ng mga nasabi ng Propeta Muhammad ﷺ.
Habang ang “Alamaat Kubrah” o malalaking tanda; ito ay mga palatandaan na kung saan ay malalaking pangyayare sa maiksing panahon, mangyayare kapag malapit na ang Araw ng Paghuhukom.
Ang maliliit na tanda sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom ay marami, katulad ng:
-Ang pagsugo sa Propeta Muhammad ﷺ, at ang kanyang pagpanaw.
-Pagsakop at pagtatagumpay ng mga Muslim sa Baytul Maqdis o Jerusalem.
-Ang sakit na lalaganap sa Imwaas sa Palestina.
-Kahirapan at pagkalimot ng mga tao sa kawanggawa.
-Paglitaw ng pagsubok at kasamaan, katulad ng: pagpatay kay Uthman bin Affan رضي الله عنه , ang gyera ng Jamal, ang gyera ng Siffin, at gyera ng Hurrah, kabilang rin ang paglitaw ng mga Khawarij, at kasamaan ng pagsabi na ang Qur’an ay nilikha at hindi salita ng Allah ﷻ.
-Ganoon din ang paglitaw ng mga mag-aangkin na sila ay propeta, katulad nila: Musaylimah Al-Kadhab, at Al-Aswad Al-Unsi.
-Pagkawala ng tiwala sa katuruan ng mga tunay na maalam.
-Ang pagdami ng mangmang, at paghina ng kaalaman; sa pamamagitan ng pagpanaw ng mga iskolar.
-Nabibilang rin sa ating nabanggit ang pagkalat ng alak, maling pagpapatubo, pangangalunya, musika, at pagpapaunahan sa pagpapataas ng mga gusali.
-Ang pagrami ng mga bastos na anak sa kanilang mga magulang, katulad ng nasabi ng Propeta Muhammad ﷺ na pakikitunguhan ng bata ang kanyang magulang kung papaano sya makitungo sa kanyang alipin.
-Ang pagrami ng pagpatay, lindol, eklipse, pag-iba sa anyo ng tao (papunta sa anyo ng hayop), at maling pag-aakusa sa mga babae.
-Ganoon din ang pagrami ng pagpapakita ng mga kababaihan sa kanilang katawan.
-Magaganap kadalasan ang panaginip ng mga mananampalataya.
-Ang madalas na maling testimonya, at pagtago ng katotohanan.
-Ang pagrami sa bilang ng babae.
-At magiging harden at lawa ang disyerto sa lugar ng mga arabo.
-Makikita ang gabundok na ginto sa ilog ng Furaat.
-Magsasalita ang mga hayop at bagay.
-Pagrami ng mga tao sa Roma, at kanilang paglaban sa mga Muslim, at ganoon din ang pagsakop ng mga Muslim sa Qustantiniyah.
At ang malalaking tanda sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom ay kung ano ang nabanggit ng Propeta Muhammad ﷺ sa hadith na naiulat ni Hudhayfah bin Aseed, at ito ay sampu:
1-Ang Usok.
2-Ang pagdating ni Dajjal(Anti Kristo).
3-Ang paglabas ng malaking hayop.
4-Pagsikat ng araw mula sa kanluran.
5-Pagbaba ni Eisa عليه السلام mula sa langit.
6-Paglabas ng Gog at Magog.
-Ang tatlong iklipse:
7-Iklipse sa silangan.
8-Iklipse sa kanluran.
9-Iklipse sa Arabia.
10-Ang apoy na magtutulak sa mga tao kung saan sila ay iipunin.
Ang mga palatandaan na ito ay sunod-sunod lilitaw, at walang matibay na batayan na naglilinaw sa tamang pagkasunod-sunod ng mga ito.

Mga Palatandaan sa Pagdating ng Araw ng Paghuhukom علامات القيامة الصغرى و الكبرى باللغة الفلبينية Filipino
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device

( وماهو على الغيب بضنين ) viņš nav skops attiecībā uz atklāsmi, nedz arī slinko vēstījuma nodošanā un mācīšanā, bet gan sniedz visas zināšanas, kuras cilvēks ir gatavs saņemt, atšķirībā no zīlniekiem." Zīlnieki neko nedod, nemāca un nesniedz zināšanas, kuras apgalvo zinām, izņemot par samaksu.
April 22, 2025