
ANG BUWAN NG SHAWWAL
Ang buwan ng “Shawwal” ay malaking pintuan para sa patuloy na kabutihan pagkatapos ng Ramadhan. “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhan at kanya itong sinundan ng anim na araw na pag-aayuno sa Shawwal ay katumbas ng isang taon na pag-aayuno”. Nilinaw ng Propeta Muhammad ﷺ ang pag-aayuno sa Ramadhan, ito’y iisang buwan ngunit katumbas ang sampung buwan sa gantimpala, at anim na araw upang pagkumpleto sa isang taon. At ito’y upang makabawi sa ating pagkukulang sa obligadong pag-aayuno,...
ANG BUWAN NG SHAWWAL
Ang buwan ng “Shawwal” ay malaking pintuan para sa patuloy na kabutihan pagkatapos ng Ramadhan. “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhan at kanya itong sinundan ng anim na araw na pag-aayuno sa Shawwal ay katumbas ng isang taon na pag-aayuno”.
Nilinaw ng Propeta Muhammad ﷺ ang pag-aayuno sa Ramadhan, ito’y iisang buwan ngunit katumbas ang sampung buwan sa gantimpala, at anim na araw upang pagkumpleto sa isang taon. At ito’y upang makabawi sa ating pagkukulang sa obligadong pag-aayuno, at sa Araw ng Paghuhukom ang ating boluntaryong pag-aayuno ang kukumpleto sa anumang kakulangan sa ating obligadong pag-aayuno.
Maaaring simulan ang pag-aayuno sa pangalawang araw ng Shawwal; dahil ang unang araw ay araw ng Eid, kung saan ipinagbabawal ang pag-aayuno. At pinahihintulutan ang pag-aayuno sa anumang araw sa loob ng buwan na ito, at ang pinakamainam na kabutihan ay kung ano ang maaga.
At hindi kinakailangan na magkakasunod ang anim na araw na ito, maaaring magkakahiwalay. At kung sinuman ang mayroong kulang mula sa obligadong pag-aayuno, ito’y kailangan niyang unahin bago ang anim na araw sa Shawwal, upang kanyang makamit ang ating nabanggit na , “nag-ayuno ng Ramadhan at kanyang sinundan ito ng anim na araw sa Shawwal”.
Hindi tama na pagsasabayin sa intensyon ang pagbabayad ng utang o kakulangan sa pag-aayuno sa Ramadhan at ayuno na Shawwal, habang pinapahintulutan na pagsabayin ang ayuno sa Shawwal kasama ang “Ayyamul-Bidh” o White days.
Tayo’y mayroong makukuhang biyaya sa pagpapakasal sa buwan ng Shawwal, sinabi ni Aishah رضي الله عنها: “Ako’y pinakasalan ng Propeta Muhammad ﷺ sa buwan ng Shawwal, at bumuo sa akin sa Shawwal, sino ang mas nakakahigit sa akin sa ganitong gatimpala sa mga asawa ng Propeta Muhammad ﷺ ?”.
Tayo’y maging masigasig sa pagsamba lalo na sa buwan ng Ramadhan at Shawwal, at sa lahat ng oras, sinabi ni Al-Hasan Al-Basri رحمه الله : “Hindi nilagyan ni Allah ﷻ ng limitasyon ang kabutihan ng mga mananampalataya maliban sa kamatayan”.

ANG BUWAN NG SHAWWAL
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device

( وماهو على الغيب بضنين ) viņš nav skops attiecībā uz atklāsmi, nedz arī slinko vēstījuma nodošanā un mācīšanā, bet gan sniedz visas zināšanas, kuras cilvēks ir gatavs saņemt, atšķirībā no zīlniekiem." Zīlnieki neko nedod, nemāca un nesniedz zināšanas, kuras apgalvo zinām, izņemot par samaksu.
April 22, 2025