
Mga Palatandaan ng Totoong Propeta ـ ANG SALITA NG ALLAH (ANG BANAL NA QURAN) القرآن الكريم
Sinabi ni Yahya bin Aktam: Si Ma’mun nung siya ay namumuno sa panahon nya, habang siya ay nasa pagtitipon para sa pagdebate, may Hudyo na pumasok kasabay ng maraming tao, siya ay nakadamit nang maayos, maaliwalas ang mukha, at siya ay mabango , at siya ay nagsalita sa maayos na tono. -At pagkatapos nila sa pagtitipon, tinawag siya ni Ma’mun at tinanong: Ikaw ba ay mula sa Israel (Ikaw ba ay Hudyo) ?. At siya ay sumagot: Oo. -Ikaw ay pumasok sa Islam at gagawan kita ng bagay na mabuti (pinangakuan...
Mga Palatandaan ng Totoong Propeta ـ ANG SALITA NG ALLAH (ANG BANAL NA QURAN) القرآن الكريم
Sinabi ni Yahya bin Aktam: Si Ma’mun nung siya ay namumuno sa panahon nya, habang siya ay nasa pagtitipon para sa pagdebate, may Hudyo na pumasok kasabay ng maraming tao, siya ay nakadamit nang maayos, maaliwalas ang mukha, at siya ay mabango , at siya ay nagsalita sa maayos na tono.
-At pagkatapos nila sa pagtitipon, tinawag siya ni Ma’mun at tinanong: Ikaw ba ay mula sa Israel (Ikaw ba ay Hudyo) ?.
At siya ay sumagot: Oo.
-Ikaw ay pumasok sa Islam at gagawan kita ng bagay na mabuti (pinangakuan sya ni Ma’mun ng kabutihan).
-Sumagot ang Hudyo: Ito ang aking relihiyon at relihiyon ng aking mga ninuno (at ito ay umalis).
Isang taon ang lumipas at bumalik ang Hudyo at siya ay isang Muslim na.
-At ito ay nagsalita sa maayos na pamamaraan tungkol sa Fiqh,Hadith, at pagkatapos ng kanilang pagtitipon tinawag siya ni Ma’mun at sinabi: Hindi ba ikaw ang kinausap ko dati?
-At siya ay sumagot: Oo.
-Ang sabi ni Ma’mun: Ano ang iyong dahilan bakit ka nag Muslim?
-Ang Hudyo ay sumagot: Pakinggan mo ako habang dinadakila ang Allah, ako ay umalis nung araw na iyon at naisipan na subukan ang mga relihiyon, at maganda ang aking pagsusulat.
Sumulat ako ng tatlong kopya ng Tawrah (Libro ng mga Hudyo) at ito ay aking binawasan at dinagdagan, pagkatapos ito ay pinasok ko sa kanilang simbahan, ito ay tinanggap nila at di tiningnan kung ito ay may mali.
At ako ay sumulat ng tatlong kopya mula sa Injeel (Libro ng mga Kristiano) at ito rin ay aking binawasan at dinagdagan, at pinasok sa kanilang simbahan at di rin nila ito tiningnan kung ito ay may mali.
At ito rin ay ginawa ko sa Quran (Libro ng mga Muslim) ako ay sumulat ng tatlong kopya, ito’y aking dinagdagan at binawasan at ito ay binigay ko sa kanila at sila ay nagsabi na hindi namin ito tatanggapin haggat di namin nababasa at nasusuri ng maayos, at nakita nila lahat ng mga mali.
Nakita nila ang mga dagdag at bawas kaya’t ito ay kanilang sinunog at muntikan ako patayin, dito ko nalaman na itong aklat na ito (Ang Quran) ay pinangalagaan ng Panginoon at ito ang dahilan bakit ako pumasok sa relihiyong Islam.

Mga Palatandaan ng Totoong Propeta ـ ANG SALITA NG ALLAH (ANG BANAL NA QURAN) القرآن الكريم
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device

( وماهو على الغيب بضنين ) viņš nav skops attiecībā uz atklāsmi, nedz arī slinko vēstījuma nodošanā un mācīšanā, bet gan sniedz visas zināšanas, kuras cilvēks ir gatavs saņemt, atšķirībā no zīlniekiem." Zīlnieki neko nedod, nemāca un nesniedz zināšanas, kuras apgalvo zinām, izņemot par samaksu.
April 22, 2025