Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"} Ayon pa sa kanya: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsabi sa pagkayukod niya at pagkapatirapa niya ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Nagpapakahulugan siya nito sa Qur'ān.}
Explanation
Benefits
Ang paghingi ng tawad sa katapusan ng buhay ay may isang pagtawag-pansin na magpawakas ka ng mga pagsamba gayon din – lalo na ng pagdarasal – sa pamamagitan ng paghingi ng tawad upang mapunan ang nangyari rito na kakulangan.
Ang pinakamaganda na ipinangsusumamo kay Allāh sa pagtanggap ng panalangin ay ang pagsambit ng dhikr ng mga kapurihan Niya, pagluluwalhati sa Kanya, at pagpapawalang-kinalaman sa Kanya sa mga kakulangan at mga kapintasan.
Ang kainaman ng paghingi ng tawad at ang paghiling nito sa bawat kalagayan.
Ang kalubusan ng pagkamananamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagsunod niya sa utos ni Allāh.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

