Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
Explanation
Benefits
Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa katapausan ng bawat salah na isinatungkulin at kinukusang-loob.
Nasaad sa panalangin sa pamamagitan ng kaunting pananalitang ito ang mga kahilingan sa Mundo at Kabilang-buhay.
Kabilang sa mga benepisyo ng pag-ibig alang-alang kay Allāh ang pagtatagubilinan ng katotohanan, ang pagpapayuhan, at ang pagtutulungan sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang pag-alaala kay Allāh ay ang panimula ng pagkapanatag ng dibdib, ang pagpapasalamat sa Kanya ay ang kaparaanan ng mga biyayang tinugon, at ang pagpapahusay ng pagsamba na hinihiling sa kanya ay ang pagkalas sa anumang nakaaabala sa kanya palayo kay Allāh (napakataas Siya).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

