Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr sa ṣalāh, ay nanahimik nang saglit bago siya bumigkas. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko at ina ko ikaw ay tubusin nawa, nakapansin ka po ba sa pananahimik mo sa pagitan ng takbīr at pagbigkas? Ano po ang sinasabi mo?" Nagsabi siya: "Nagsasabi ako ng: Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)"}
Explanation
Benefits
Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-alam sa mga kalagayan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga pagkilos niya at mga pagtahan niya.
May nasaad na mga iba pang porma ng panalangin ng pagpapasimula ng ṣalāh. Ang pinakamainam ay na sundin ng tao ang mga pagpapasimulang nasaad at napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya sasambit siya ng isang pormang ito minsan at isa pang pormang ito minsan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

