Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin at nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Apoy, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)"} Sa isang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nakatapos ang isa sa inyo sa pagsambit ng Huling Tashahhud, dumalangin siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat: laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa kasamaan ng Bulaang Kristo."}
Explanation
1. Laban sa pagdurusa sa libingan.
2. Laban sa pagdurusa sa Apoy. Iyon ay sa Araw ng Pagbangon.
3. Laban sa ligalig ng buhay at kamatayan: laban sa mga ipinagbabawal na ninanasa sa Mundo, laban sa mga tagapagligaw na maling akala rito, laban sa ligalig ng kamatayan, ibig sabihin: ang oras ng paghihingalo, laban sa pagkaliko palayo sa Islām o Sunnah, o ligalig sa libingan gaya ng pagtatanong ng dalawang anghel.
4. Laban sa ligalig ng Bulaang Kristo na lalabas sa wakas ng panahon, na susubukin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lingkod Niya. Nagtangi siya rito sa pagbanggit dahil sa bigat ng ligalig nito at pagpapaligaw nito.
Benefits
Ang katibayan ng pagdurusa sa libingan at na ito ay totoo.
Ang pagkapanganib ng mga ligalig at ang kahalagahan ng pagpapatulong kay Allāh at pagdalangin ng kaligtasan sa mga ito.
Ang pagpapatibay sa paglabas ng Bulaang Kristo at bigat ng ligalig niya.
Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito matapos kaagad ng Huling Tashahhud.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin matapos ng maayos na gawa.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

