
Nararapat na Gawin Upang Malayo sa Tukso - Filipino
Nararapat na Gawin Upang Malayo sa Tukso الوقاية من الفواحش وانتكاس الفطرة باللغة الفلبينية Filipino Taqwa (Tunay na pagkatakot sa Allah), at palagiang pananalangin sa Allah; kagaya ng pananalangin ni Propeta Yusuf (alayhis salam): “At maliban na iyong ilayo sa akin ang kanilang pagtatangka, ako ay mahuhulog sa kanilang pagnanasa” [12:33] Nararapat na iyong itatak sa iyong puso’t isipan na anumang kasalanan ang iyong iwanan para sa landas ng Allah,...
Nararapat na Gawin Upang Malayo sa Tukso - Filipino
Nararapat na Gawin Upang Malayo sa Tukso
الوقاية من الفواحش وانتكاس الفطرة باللغة الفلبينية
Filipino
Taqwa (Tunay na pagkatakot sa Allah), at palagiang pananalangin sa Allah; kagaya ng pananalangin ni Propeta Yusuf (alayhis salam): “At maliban na iyong ilayo sa akin ang kanilang pagtatangka, ako ay mahuhulog sa kanilang pagnanasa” [12:33] | Nararapat na iyong itatak sa iyong puso’t isipan na anumang kasalanan ang iyong iwanan para sa landas ng Allah, ito’y mayroong magandang kapalit. Ang Sugo ni Allah ay nagsabi, “Wala kang iiwanan para sa Allah, maliban na ito’y papalitan nang higit ni Allah” – Isinalaysay ni Ahmad | Paglayo sa pag-uusap tungkol sa maling pagnanasa at pananalita, at ilayo ang pagtitipon sa di makabuluhang pag-uusap. | Ang pag-aasawa nang maaga kapag mayroong kakayahan, at kapag hindi; siya ay inuutusang mag-ayuno, “Upang pagpipigil sa maling pagnanasa”.
-Isinalaysay ni Bukhari at Muslim |
Ang pag-iwas sa labis na pagkain at inom; ito’y nakakabawas ng seksuwal na pagnanasa. | Pagbaba ng iyong pagtingin, at pag-iwas sa lugar na marami ang kababaihan, katulad ng: pamilihan, at lumayo sa lugar na kasama ang mga di kaano-anong babae. | Utusan na magtakip ang mga kababaihan, at huwag lambutan o lambingin ang boses habang nakikipag-usap sa kababaihan, ni ang makihalubilo sa kanila. |
(1) | (2) | (3) | (4) | (5) | (6) | (7) |
Nararapat na Gawin Upang Malayo sa Tukso, Pakikiapid, Homoseksuwalidad at Malalaswang Gawain
|
||||||
(8) | (9) | (10) | (11) | (12) | (13) | (14) |
Ang pagbabasa ng Surah (kabanata) at kwento ni Propeta Yusuf (alayhis salam), at ibang kwento na nabanggit sa Qur’an, Sunnah at mga istorya ng mga Salaf. | Ang pakikihalubilo at pagsama sa mga mabubuting tao, mga taong nagtuturo ng kabutihan at nagpipigil ng kasamaan. At pag-iwas at paglayo sa masasamang tao na nag-aanyaya sa kalaswaan. | Parating tatandaan ang alituntunin, “Ang trato mo sa kapwa ay siya ring tatanggapin mo” dahil ang pakikiapid ay atraso na kinakailangan pagbayaran. |
Iwasan na mabakante, at gawing abala ang sarili sa mga nakakabuti, dahil ang pagiging bakante ay nakakasira, dahil kapag hindi tayo abala, ang ating sarili at Satanas ang aabala sa atin. | Iwasan ang sobrang paggamit ng “Social Media”, at anumang malalaswang tema sa mga ito. | Ilagay ang ating selpon at kompyuter sa lugar na nakikita ng iba, upang malayo sa masamang bulong ng Satanas. | Pagsasanay na pigilan ang kasamaan saan man tayo naroroon, kahit na ito’y maliit na antas ng pagpipigil ng kasamaan (pagkamuhi), dahil ito’y nagbubuhay ng kabutihan sa ating puso. |
Internal PDF Viewer

FAST DOWNLOAD
Nararapat na Gawin Upang Malayo sa Tukso - Filipino
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device
Downloads