
MGA KAUGALIAN SA PAGLIGO
آداب الغسل باللغة الفلبينية Ang ibig sabihin ng Ghusl o pagligo sa wikang tagalog ay pagbuhos ng malinis na tubig sa ating buong katawan, at ang pagsagawa nito ay may mga haligi at kondisyon. Mayroong obligadong pagligo, katulad ng pagligo ng taong nasa Janabah o karumihan na hindi natatanggal ng wudhu o abulosyon, ganoon din ang pagligo ng babae na may buwanang dalaw. Mayroong pagligo na hindi obligado, ngunit ito ay maaaring gawin, katulad ng ating pagligo...
MGA KAUGALIAN SA PAGLIGO
آداب الغسل باللغة الفلبينية
Ang ibig sabihin ng Ghusl o pagligo sa wikang tagalog ay pagbuhos ng malinis na tubig sa ating buong katawan, at ang pagsagawa nito ay may mga haligi at kondisyon.
Mayroong obligadong pagligo, katulad ng pagligo ng taong nasa Janabah o karumihan na hindi natatanggal ng wudhu o abulosyon, ganoon din ang pagligo ng babae na may buwanang dalaw.
Mayroong pagligo na hindi obligado, ngunit ito ay maaaring gawin, katulad ng ating pagligo sa araw ng Eid.
Ang Ghusl o pagligo ay mga tamang kaugalian, at ito ay:
Una: Ang pagiging pribado upang malayo sa paningin ng mga tao.
Ang Propeta Muhammad ﷺ ay minsan may nakitang lalaki na hindi itinatago ang kanyang sarili habang naliligo. Ang Propeta Muhammad ﷺ ay pinuri ang Allah, at kanyang sinabi:
“Tunay na si Allah عزوجل ay ang Pinaka-Mahiyain at Pinaka-Mapagtakip, Kanyang minamahal ang pagkakaroon ng hiya at pagtatakip, kaya sinuman sa inyo ang nais maligo, dapat nyang takpan at itago ang sarili”.
Pangalawang tamang pag-uugali habang naliligo ay: Ang hindi pagmamalabis na paggamit ng tubig.
Dahil ang Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay nagsabi:
“May mga tao sa nasyon na ito, na sila ay magmamalabis sa kalinisan at pananalangin”. At napagkasunduan ng mga iskolar na mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamalabis sa paggamit ng tubig kahit na ikaw ay nasa tabing dagat.
Pangatlong tamang pag-uugali sa pagligo ay: Pagsasagawa ng Abulosyon o Wudhu, at pagbuhos ng tubig sa lahat ng parte ng ating katawan, mula sa kasingit-singitan ng ating katawan hanggang sa anit ng ating ulo.
Ayon sa inulat ni Aishah رضي الله عنها kanyang sinabi: “Sa tuwing maliligo ang Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, kanyang inuuna ang paghuhugas ng kamay, pagkatapos ay magsasagawa ng abulosyon, sunod ay kanyang binabasa ng maigi ang kanyang ulo at buhok, kapag ang Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay nakasiguro na basa na ang kanyang buhok, sya ay magbubuhos ng tatlong beses sa kanyang ulo, at isususunod ang buong katawan”.
والله تعالى أعلم...

MGA KAUGALIAN SA PAGLIGO
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device