'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy na nagsabi: {Pumunta si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagsabi siya: "Ano ang nagpaupo sa inyo?" Nagsabi sila: "Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh…

