Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay naging nasa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan, babalot sa kanila ang awa, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at babanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang nagpabagal sa kanya ang gawa niya, hindi magpapabilis sa kanya ang kaangkanan niya."}
Explanation
Benefits
Ang pagpapaibig sa pagpapaginhawa sa nagigipit.
Ang paghimok sa pagtulong sa taong Muslim at na si Allāh ay (napakataas Siya) ay tumutulong sa tagatulong alinsunod sa pagtulong nito sa kapwa.
Bahagi ng pagtatakip sa Muslim ang hindi pagsubaybay sa mga kahihiyan niya. Naisalaysay nga buhat sa isa sa Salaf§ na siya ay nagsabi: "Nakaabot ako ng mga tao na hindi nagkaroon ng mga kapintasan ngunit bumanggit sila ng mga kapintasan ng mga tao kayo bumanggit ang mga tao ng mga kapintasan para sa kanila. Nakaabot ako ng mga taong nagkaroon ng mga kapintasan ngunit nagpigil sila sa pagbanggit ng mga kapintasan ng mga tao kaya nakalimutan ang mga kapintasan nila."
Hindi kabilang sa mga kinakailangan sa pagtatakip sa mga tao ang pagwawalang-bahala sa nakasasama at ang hindi pagpapaiba nito; bagkus magpapaiba at magtatakip nito. Ito ay sa panig ng sinumang hindi nakikilala sa katiwalian at pamamalagi sa pagmamalabis. Hinggil naman sa nakilala roon, tunay na hindi isinasakaibig-ibig ang pagtatakip sa kanya; bagkus isasampa ang kaso niya sa sinumang may pamumuno kapag walang pinangangambahan doon na isang kaguluhan. Iyon ay dahil ang pagtatakip sa kanya ay mag-uudyok sa kanya sa katiwalian, magpapakalakas-loob sa kanya sa pagperhuwisyo sa mga tao, at magpapalakas-loob sa iba sa kanya kabilang sa mga kampon ng kasamaan at pagmamatigas.
Ang paghimok sa paghahanap ng kaalaman, pagbigkas ng Qur'ān, at pag-aaralan nito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Dito ay may patunay sa kalamangan ng pagtitipon sa pagbigkas ng Qur'ān sa masjid. ... Naibibilang sa masjid sa pagtamo ng kainamang ito ang pagtitipon sa isang paaralan, isang garison, at tulad ng dalawang ito kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya).
Ang ganti ay ipinaresulta lamang ni Allāh sa mga gawain hindi sa mga kaangkanan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

