Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
Explanation
Benefits
Ang paglilinaw sa kainaman ng mga alagad na ḥadīth at ang karangalan ng pag-aaral nito.
Ang kainaman ng mga maalam na mga may paghuhulo at pag-intindi.
Ang kainaman ng mga Kasamahan (ang pagkalugod ni Allāh ay sumakanila) sapagkat sila ay ang nakarinig sa ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpaabot nito sa atin.
Nagsabi si Al-Munāwī: Naglinaw siya rito na ang tagapagsalaysay ng ḥadīth ay hindi kabilang sa mga kundisyon sa kanya ang pagkaunawa. Tanging ang kundisyon sa kanya ang pagkasaulo. Kailangan sa hurista (faqīh) ang pagpapakaintindi at ang pagninilay-nilay.
Nagsabi si Ibnu `Uyaynah: Walang isa mang naghahanap ng ḥadīth malibang sa mukha niya ay may ningning dahil sa ḥadīth na ito.
Ang pagsasaulo sa ganang mga muḥaddith ay nasa dalawang uri: pagsasaulo ng puso at dibdib at pagsasaulo ng aklat at sulat. Ang pareho ay sinasaklawan ng panalangin sa ḥadīth.
Ang mga pag-intindi ng mga tao ay nagkakaibahan sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig ay may isang tagapagdala ng fiqh na hindi faqīh.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

