{Hindi nag-iwan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkamatay niya ng isang dirham ni isang dinar ni isang lalaking alipin ni isang babaing alipin ni isang anuman maliban sa puting mola niya, sandata niya, at isang lupain, na gumawa siya sa mga ito bilang kawanggawa.}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Amr bin Al-Ḥārith na bayaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapatid ng Ina ng mga Mananampalataya na si Juwayrīyah bin Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanila) na nagsabi: {Hindi nag-iwan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkamatay niya ng isang dirham ni isang dinar ni isang lalaking alipin ni isang babaing alipin ni isang anuman maliban sa puting mola niya, sandata niya, at isang lupain, na gumawa siya sa mga ito bilang kawanggawa.}
Explanation
Benefits
Ang paglilinaw sa naiwan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagkamatay niya.
Pinapanaw ang siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) nang hindi nag-iwan ng anumang may kahalagahan dahil sa kagalantehan niya, paggugol niya, at pagmamagandang-loob niya.
Nagsabi si Al-Kirmānīy: Ang panghalip sa sabi niyang: "gumawa siya sa mga ito" ay tumutukoy sa tatlo: ang mola, ang sandata, at ang lupain, at hindi sa lupain lamang.
Ang khatan [na nabanggit sa ḥadīth] ay ang lalaking kapatid ng maybahay at ang akhtān ay tumutukoy sa mga kabayawan sa panig ng maybahay.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

