{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
Explanation
Benefits
Ang "napagagalak ng pagkakanan" ay sumasaklaw sa pagsisimula sa mga gawain sa pamamagitan ng kanang kamay, kanang paa, at kanang tagiliran; at pagkuha ng anuman sa pamamagitan ng kanan.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Alamin mo na mayroon sa mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū' ang hindi isinakaibig-ibig dito ang pagkakanan: ang mga tainga, ang mga palad, at ang mga pisngi; bagkus hinuhugasan nang sabayan; ngunit kung naging imposible iyon gaya ng sa panig ng naputulan ng bahagi ng katawan at tulad nito, uunahin niya ang kanan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

