Sumpa man sa Kanya na ang kululuwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling mananatili kayo sa kung ano kayo sa piling ko at sa pag-alaala [kay Allah], talagang kakamayan kayo ng mga anghel sa mga higaan niya at sa mga daan ninyo, ngunit o Ḥanđalah may oras [para sa Mundo] at may oras [para sa dasal].
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Rib`īy Ḥanđalah bin Ar-Rabī` Al-Usaydīy, ang Tagasulat, malugod si Allah sa kanya, ang isa sa mga tagasulat ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: Nakatagpo ako ni Abū Bakr, malugod si Allah sa kanya, at nagsabi siya: "Kumusta ka, o Ḥanđalah?" Nagsabi ako: "Nagkunwari si Ḥanđalah!' Nagsabi siya: "Napakamaluwalhati ni Allah, ano ang sinasabi mo?" Nagsabi ako: "[Kapag] tayo ay nasa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagpapaalaala sa atin ng Paraiso at Impiyerno, parang bang tayo ay nakakikita [niyon] sa mata; at kapag lumabas tayo mula sa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, pinagkakaabalahan natin ang mga asawa, ang mga anak, at ang mga kabuhayan; nakakalimot tayo sa marami." Nagsabi si ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sumpa man sa Kanya na ang kululuwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling mananatili kayo sa kung ano kayo sa piling ko at sa pag-alaala [kay Allah], talagang kakamayan kayo ng mga anghel sa mga higaan niya at sa mga daan ninyo, ngunit o Ḥanđalah may oras [para sa Mundo] at may oras [para sa dasal]." Inulit ito nang tatlong ulit.
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

