Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}
Explanation
Benefits
Ang pag-alaala kay Allāh ay sa pamamagitan ng dila lamang o sa pamamagitan ng puso lamang o sa pamamagitan ng dila at puso nang magkasama, na siyang pinakamataas sa antas.
Kabilang sa pag-alaala ang pagsambit ng mga panalanging pangkapahayagang nilimitahan gaya ng mga dhikr sa umaga at gabi at sa mga katapusan ng mga ṣalāh na isinatungkulin at iba pa sa mga ito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: "Alamin mo na ang kainaman ng pag-alaala ay hindi nalilimitahan sa tasbīḥ (pagsabi ng Subḥāna llāh), tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa -llāh), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar), at tulad ng mga ito; bagkus ang bawat tagagawa para kay Allāh (napakataas Siya) ng pagtalima, siya tagapag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."
Ang pag-alaala kay Allāh ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng katatagan. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa isang pangkat ay magpakatatag kayo at umalaala kayo kay Allāh nang madalas, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 8:45)
Ang punto ng pagwawangis sa pagitan ng mga tagapag-alaala at bundok ng Jumdān ay ang pamumukod-tangi at ang pagkahiwalay. Ang bundok ng Jumdān ay namumukod-tangi sa mga bundok saka ganito ang mga tagapag-alaala kay Allāh (napakataas Siya). Ang namumukod-tangi ay ang namukod-tangi ang puso niya at ang dila niya sa pag-alaala sa Panginoon niya, kahit pa man siya ay nasa gitna ng mga tao. Napapalagay siya sa mga oras ng pagsasarili at naiilang siya sa dalas ng pakikihalubilo sa mga tao. Ang punto ng pagwawangis ay maaaring maging ang pag-alaala ay kadahilanan ng pagpapatatag sa Relihiyon kung paanong ang mga bundok ay isang kadahilanan ng katatagan ng lupa; o maaaring maging ang pangunguna sa mga kabutihan ay sa Mundo at Kabilang-buhay yayamang ang manlalakbay mula sa Madīnah papuntang Makkah, kapag nakarating siya sa Jumdān, ito ay ang palatandaan ng pagdating sa Makkah at ang sinumang dumating doon ay naging isang nangunguna. Gayon ang tagapag-alaala kay Allāh sapagkat siya ay nangunguna sa iba pa sa kanya dahil sa dami ng pag-alaala niya kay Allāh (napakataas Siya). Si Allāh ay higit na maalam.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

