Nakatagpo ko si Abraham sa gabi na nagpalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig,
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakatagpo ko si Abraham sa gabi na nagpalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga pananim nito ay Subḥāna -llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa -llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"}
Explanation
Benefits
Ang kainaman ng Kalipunang Islāmiko yayamang nagpaabot dito ng pagbati si Abraham (sumakanya ang basbas at ang pagbati).
Ang pagpapaibig ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa Kalipunan ni Propeta Muhammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpaparami ng pagsambit ng dhikr kay Allāh (napakataas Siya).
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang Paraiso ay malalawak na kapatagan. Pagkatapos tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagpairal doon, dahil sa kabutihang-loob Niya, ng mga punong-kahoy at mga palasyo alinsunod sa mga gawa ng mga tagagawa. Ukol sa bawat tagagawa ang natatangi sa kanya dahilan sa gawa niya. Pagkatapos tunay na Siya (napakataas Siya) – yayamang nagpadali Siya para sa sinumang nilikha para rito ng gawain upang magkamit ito dahil doon ng gantimpala – ay nagturing dito gaya ng tagatanim ng mga punong-kahoy na iyon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

