النبإ
An-Naba
The Tidings
1 - An-Naba (The Tidings) - 001
عَمَّ يَتَسَآءَلُونَ
Tungkol sa ano nagtatanungan sila [na mga tagapagtambal]?
2 - An-Naba (The Tidings) - 002
عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِيمِ
Tungkol sa balitang dakila [ng Qur’ān],
3 - An-Naba (The Tidings) - 003
ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ مُخۡتَلِفُونَ
na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.
4 - An-Naba (The Tidings) - 004
كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Aba’y hindi! Makaaalam sila.
5 - An-Naba (The Tidings) - 005
ثُمَّ كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.
6 - An-Naba (The Tidings) - 006
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَٰدٗا
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag
7 - An-Naba (The Tidings) - 007
وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادٗا
at sa mga bundok bilang mga tulos?
8 - An-Naba (The Tidings) - 008
وَخَلَقۡنَٰكُمۡ أَزۡوَٰجٗا
Lumikha Kami sa inyo na magkapares.
9 - An-Naba (The Tidings) - 009
وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتٗا
Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.
10 - An-Naba (The Tidings) - 010
وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا
Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.
11 - An-Naba (The Tidings) - 011
وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشٗا
Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.
12 - An-Naba (The Tidings) - 012
وَبَنَيۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعٗا شِدَادٗا
Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong [langit na] matindi.
13 - An-Naba (The Tidings) - 013
وَجَعَلۡنَا سِرَاجٗا وَهَّاجٗا
Gumawa Kami ng [araw bilang] isang sulo na palaliyab.
14 - An-Naba (The Tidings) - 014
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَٰتِ مَآءٗ ثَجَّاجٗا
Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos
15 - An-Naba (The Tidings) - 015
لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبّٗا وَنَبَاتٗا
upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman
16 - An-Naba (The Tidings) - 016
وَجَنَّـٰتٍ أَلۡفَافًا
at mga harding magkakapulupot.
17 - An-Naba (The Tidings) - 017
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِيقَٰتٗا
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras
18 - An-Naba (The Tidings) - 018
يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجٗا
sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.
19 - An-Naba (The Tidings) - 019
وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَٰبٗا
Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.
20 - An-Naba (The Tidings) - 020
وَسُيِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا
Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.
21 - An-Naba (The Tidings) - 021
إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادٗا
Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,
22 - An-Naba (The Tidings) - 022
لِّلطَّـٰغِينَ مَـَٔابٗا
na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,
23 - An-Naba (The Tidings) - 023
لَّـٰبِثِينَ فِيهَآ أَحۡقَابٗا
na mga mamamalagi roon sa mga yugto.
24 - An-Naba (The Tidings) - 024
لَّا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرۡدٗا وَلَا شَرَابًا
Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,
25 - An-Naba (The Tidings) - 025
إِلَّا حَمِيمٗا وَغَسَّاقٗا
maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana
26 - An-Naba (The Tidings) - 026
جَزَآءٗ وِفَاقًا
bilang ganting angkop [sa masagwang gawa].
27 - An-Naba (The Tidings) - 027
إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ حِسَابٗا
Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.
28 - An-Naba (The Tidings) - 028
وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كِذَّابٗا
Nagpasinungaling sila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.
29 - An-Naba (The Tidings) - 029
وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ كِتَٰبٗا
Sa bawat bagay [mula sa mga gawa ninyo ay nag-isa-isa sa isang talaan.
30 - An-Naba (The Tidings) - 030
فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِيدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا
Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.
31 - An-Naba (The Tidings) - 031
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ مَفَازًا
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan [ng hinihiling nila]
32 - An-Naba (The Tidings) - 032
حَدَآئِقَ وَأَعۡنَٰبٗا
ng mga hardin at mga ubasan [sa Paraiso],
33 - An-Naba (The Tidings) - 033
وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابٗا
ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang,
34 - An-Naba (The Tidings) - 034
وَكَأۡسٗا دِهَاقٗا
at ng kopang pinuno [ng alak].
35 - An-Naba (The Tidings) - 035
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا كِذَّـٰبٗا
Hindi sila makaririnig doon [sa Paraiso] ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,
36 - An-Naba (The Tidings) - 036
جَزَآءٗ مِّن رَّبِّكَ عَطَآءً حِسَابٗا
bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit
37 - An-Naba (The Tidings) - 037
رَّبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَٰنِۖ لَا يَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابٗا
[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap [malibang may pahintulot].
38 - An-Naba (The Tidings) - 038
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ صَفّٗاۖ لَّا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَقَالَ صَوَابٗا
Sa Araw na tatayo ang Espiritu [na si Anghel Gabriel] at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.
39 - An-Naba (The Tidings) - 039
ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا
Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.
40 - An-Naba (The Tidings) - 040