الانسان

 

Al-Insan

 

The Man

1 - Al-Insan (The Man) - 001

هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا
May dumating kaya sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?

2 - Al-Insan (The Man) - 002

إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo[1] upang sumubok Kami sa kanya, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.
[1] naghalong likido ng punlay ng lalaki at likido ng sinapupunan ng babae.

3 - Al-Insan (The Man) - 003

إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا
Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas, na maaaring maging isang tagapagpasalamat at maaaring maging isang mapagtangging magpasalamat.

4 - Al-Insan (The Man) - 004

إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا
Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.

5 - Al-Insan (The Man) - 005

إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا
Tunay na ang mga mabuting-loob [sa Kabilang-buhay] ay iinom mula sa kopa [ng alak] na ang halo nito ay Kāfūr,

6 - Al-Insan (The Man) - 006

عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا
na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.

7 - Al-Insan (The Man) - 007

يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا
Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.

8 - Al-Insan (The Man) - 008

وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا
Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.

9 - Al-Insan (The Man) - 009

إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا
[Sinasabi nila sa mga sarili]: “Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.

10 - Al-Insan (The Man) - 010

إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا
Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid.”

11 - Al-Insan (The Man) - 011

فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا
Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.

12 - Al-Insan (The Man) - 012

وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا
Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at [kasuutang] sutla.

13 - Al-Insan (The Man) - 013

مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا
Mga nakasandal doon [sa Paraiso] sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng araw [na nakapipinsala] ni ng pagkalamig-lamig.

14 - Al-Insan (The Man) - 014

وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا
Nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.

15 - Al-Insan (The Man) - 015

وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠
Magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,

16 - Al-Insan (The Man) - 016

قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا
mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.

17 - Al-Insan (The Man) - 017

وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا
Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya

18 - Al-Insan (The Man) - 018

عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا
[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.

19 - Al-Insan (The Man) - 019

۞وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا
May lilibot sa kanila na mga [na naglilingkod na] batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga perlas na ikinalat.

20 - Al-Insan (The Man) - 020

وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا
Kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.

21 - Al-Insan (The Man) - 021

عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا
May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.

22 - Al-Insan (The Man) - 022

إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا
[Sasabihin]: “Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala.”

23 - Al-Insan (The Man) - 023

إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا
Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.

24 - Al-Insan (The Man) - 024

فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا
Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang mapagtangging magpasalamat.

25 - Al-Insan (The Man) - 025

وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا
Alalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.

26 - Al-Insan (The Man) - 026

وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا
Sa bahagi ng gabi[2] ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa [bahagi ng] gabi nang matagal.[3]
[2] sa dasal sa pagkalubog ng araw at dasal sa gabi at kusang-loob na dasal sa gabi [3] sa dasal na tahajjud.

27 - Al-Insan (The Man) - 027

إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا
Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng [paggawa para sa] isang araw na mabigat.

28 - Al-Insan (The Man) - 028

نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا
Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami [sa kanila] ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.

29 - Al-Insan (The Man) - 029

إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

30 - Al-Insan (The Man) - 030

وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.

31 - Al-Insan (The Man) - 031

يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّـٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا
Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan[4] ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
[4] na nagtatambal kay Allāh o gumagawa ng malalaking nakapagpapahamak na kasalanan.

[sc name="verse"][/sc]

Scroll to Top