المدثر
Al-Muddaththir
The Cloaked One
1 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 001
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ
O nagtatalukbong,[1]
[1] Nagtakip ang Propeta ng sarili dahil sa pagkatakot sa nakita.
2 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 002
قُمۡ فَأَنذِرۡ
bumangon ka saka magbabala ka.[2]
[2] sa mga tao laban sa pagdurusang idudulot ni Allāh.
3 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 003
وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ
Sa Panginoon mo ay dumakila ka.
4 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 004
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ
Sa mga damit mo ay magdalisay ka.
5 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 005
وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ
Sa kasalaulaan[3] ay lumayo ka.
[3] Ibig sabihin: sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
6 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 006
وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ
Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami.
7 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 007
وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ
Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.
8 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 008
فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ
Kaya kapag nagpatunog sa trumpeta,
9 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 009
فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ
iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap,
10 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 010
عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ
sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.
11 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 011
ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا
Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.
12 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 012
وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا
Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak
13 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 013
وَبَنِينَ شُهُودٗا
at mga anak na kapiling.
14 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 014
وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا
Nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaaalwan.
15 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 015
ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ
Pagkatapos naghahangad siya na magdagdag Ako.
16 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 016
كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا
Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.
17 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 017
سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا
Magpapabigat[4] Ako sa kanya ng isang pahirap.
[4] O Aatangan.
18 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 018
إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ
Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.
19 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 019
فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Kaya panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
20 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 020
ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Pagkatapos panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
21 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 021
ثُمَّ نَظَرَ
Pagkatapos nagmasid siya.
22 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 022
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ
Pagkatapos nagkunut-noo siya at sumimangot siya.
23 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 023
ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ
Pagkatapos tumalikod siya [sa pananampalataya] at nagmalaki siya.
24 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 024
فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ
Kaya nagsabi siya: “Walang iba [ang Qur’ān na] ito ay kundi isang panggagaway na ipinapasa-pasa.
25 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 025
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ
Walang iba ito ay kundi sabi ng tao.”
26 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 026
سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ
Magsusunog Ako sa kanya sa Saqar.
27 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 027
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?
28 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 028
لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ
Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.
29 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 029
لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ
Isang tagapagtupok ng mga balat,
30 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 030
عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ
sa ibabaw nito ay may labingsiyam [na anghel].[5]
[5] na mga tanod ng Impiyerno
31 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 031
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَـٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
Hindi Kami naglagay[6] ng mga tanod ng Apoy maliban ng mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya upang makatiyak ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: “Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.
[6] O gumawa.
32 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 032
كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ
Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,[7]
[7] Ang lahat ng mga panunumpa sa mga bagay na nasaad sa Qur’an ay panunumpa ni Allāh.
33 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 033
وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ
sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,
34 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 034
وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ
sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;
35 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 035
إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ
tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa mga pinakamalaki
36 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 036
نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ
bilang pagbabala para sa mga tao,
37 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 037
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na mauna o maantala.
38 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 038
كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ
Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,
39 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 039
إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ
maliban sa mga kasamahan ng kanan,
40 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 040
فِي جَنَّـٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ
na sa mga Hardin ay magtatanungan sila
41 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 041
عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
tungkol sa mga salarin:
42 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 042
مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ
“Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?”
43 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 043
قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ
Magsasabi ang mga ito: “Hindi kami dati kabilang sa mga nagdarasal,
44 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 044
وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ
hindi kami dati nagpapakain sa dukha,
45 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 045
وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ
kami dati ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],
46 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 046
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Pagtutumbas,
47 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 047
حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ
hanggang sa pumunta sa amin ang katiyakan [ng kamatayan].”
48 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 048
فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّـٰفِعِينَ
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.
49 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 049
فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ
Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?
50 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 050
كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ
Para bang sila ay mga asnong ligaw na naiilang,
51 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 051
فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ
na tumakas mula sa isang leyon.
52 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 052
بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ
Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.
53 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 053
كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.
54 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 054
كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ
Aba’y hindi! Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay isang pagpapaalaala.
55 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 055
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Kaya ang sinumang lumuob ay mag-alaala siya nito.
56 - Al-Muddaththir (The Cloaked One) - 056