المزمل
Al-Muzzammil
The Enshrouded One
1 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 001
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ
O nakabalot,[1]
[1] Humiling ang Propeta na balutin siya dahil sa pagkatakot matapos na makita niya si Anghel Gabriel sa tunay na anyo nito.
2 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 002
قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا
bumangon ka [upang magdasal] sa gabi, maliban sa kaunting [bahagi nito]:
3 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 003
نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا
sa kalahati nito, o magbawas ka mula rito ng kaunti,
4 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 004
أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا
o magdagdag ka rito at bumigkas ka ng Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas.
5 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 005
إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا
Tunay na Kami ay maglalahad sa iyo ng isang sinasabing mabigat.[2]
[2] sa pamamagitan ng Qur’an na ito.
6 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 006
إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا
Tunay na ang pagbangon [sa pagdarasal] sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsasabi.
7 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 007
إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا
Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang magagawang mahaba.
8 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 008
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا
Umalala ka sa ngalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol.[3]
[3] O...at italaga mo ang sarili sa Kanya sa isang lubusang pagtatalaga.
9 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 009
رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا
Ang Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan.
10 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 010
وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا
Magtiis ka sa sinasabi nila at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang marikit.
11 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 011
وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا
Hayaan mo Ako at ang mga tagapagpasinungaling na may biyaya at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti.
12 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 012
إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا
Tunay na taglay Namin ay mga panggapos at isang impiyerno,
13 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 013
وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا
at isang pagkain na may pambara at isang pagdurusang masakit,
14 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 014
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا
sa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging [gaya] bunton ng buhanging gumuguho.
15 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 015
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا
Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo [na si Propeta Muḥammad] na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo [na si Moises].
16 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 016
فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا
Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na masaklap.
17 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 017
فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا
Kaya papaano kayong magsasanggalang [ng mga sarili] kung tumanggi kayong sumampalataya sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin?
18 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 018
ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا
Ang langit ay mabibitak sa [Araw na] iyon. Laging ang pangako Niya ay magagawa.
19 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 019
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.
20 - Al-Muzzammil (The Enshrouded One) - 020