الأنعام
Al-An'am
The Cattle
1 - Al-An'am (The Cattle) - 001
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَجَعَلَ ٱلظُّلُمَٰتِ وَٱلنُّورَۖ ثُمَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ
Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa Kanya sa iba].
2 - Al-An'am (The Cattle) - 002
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن طِينٖ ثُمَّ قَضَىٰٓ أَجَلٗاۖ وَأَجَلٞ مُّسَمًّى عِندَهُۥۖ ثُمَّ أَنتُمۡ تَمۡتَرُونَ
Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa putik, pagkatapos nagpasya Siya ng isang taning [ng buhay]. May isang taning [ng pagkabuhay] na tinukoy sa ganang Kanya, pagkatapos kayo ay nagtataltalan.
3 - Al-An'am (The Cattle) - 003
وَهُوَ ٱللَّهُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ يَعۡلَمُ سِرَّكُمۡ وَجَهۡرَكُمۡ وَيَعۡلَمُ مَا تَكۡسِبُونَ
Siya ay si Allāh [ang Diyos] sa mga langit at sa lupa. Nakaaalam Siya sa lihim ninyo at kahayagan ninyo at nakaaalam Siya sa nakakamit ninyo.
4 - Al-An'am (The Cattle) - 004
وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Walang pumupunta sa kanila na isang tanda mula sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw
5 - Al-An'am (The Cattle) - 005
فَقَدۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَسَوۡفَ يَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَـٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
sapagkat nagpasinungaling nga sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng dati nilang kinukutya.
6 - Al-An'am (The Cattle) - 006
أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّن قَرۡنٖ مَّكَّنَّـٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَا لَمۡ نُمَكِّن لَّكُمۡ وَأَرۡسَلۡنَا ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡهِم مِّدۡرَارٗا وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَنۡهَٰرَ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ
Hindi ba sila nagsaalang-alang na kay rami ng ipinahamak Namin, bago pa nila, na [makasalanang] salinlahi na nagbigay-kapangyarihan Kami sa mga iyon sa lupa habang hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo? Nagsugo Kami sa langit sa ibabaw nila ng masaganang ulan at gumawa Kami sa mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim nila, saka nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at nagpasimula Kami, matapos na nila, ng salinlahing iba.
7 - Al-An'am (The Cattle) - 007
وَلَوۡ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ كِتَٰبٗا فِي قِرۡطَاسٖ فَلَمَسُوهُ بِأَيۡدِيهِمۡ لَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo ng isang aklat na nasa isang kalatas saka humipo sila nito ng mga kamay nila ay talaga sanang nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.”
8 - Al-An'am (The Cattle) - 008
وَقَالُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ مَلَكٞۖ وَلَوۡ أَنزَلۡنَا مَلَكٗا لَّقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ ثُمَّ لَا يُنظَرُونَ
Nagsabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel?” Kung sakaling nagpababa Kami sa kanya ng isang anghel ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin, pagkatapos hindi sila palulugitan [para magbalik-loob].
9 - Al-An'am (The Cattle) - 009
وَلَوۡ جَعَلۡنَٰهُ مَلَكٗا لَّجَعَلۡنَٰهُ رَجُلٗا وَلَلَبَسۡنَا عَلَيۡهِم مَّا يَلۡبِسُونَ
Kung sakaling gumawa Kami sa kanya na isang anghel ay talaga sanang gumawa Kami sa kanya na [nasa anyo ng] isang lalaki at talaga sanang nagpalito Kami sa kanila ng ikinalilito nila.
10 - Al-An'am (The Cattle) - 010
وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُواْ مِنۡهُم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya.
11 - Al-An'am (The Cattle) - 011
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ ٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain, pagkatapos tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.”
12 - Al-An'am (The Cattle) - 012
قُل لِّمَن مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قُل لِّلَّهِۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفۡسِهِ ٱلرَّحۡمَةَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Sabihin mo: “Kanino ang anumang nasa mga langit at mga lupa?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh.” Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa. Talagang magtitipon nga Siya sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya.
13 - Al-An'am (The Cattle) - 013
۞وَلَهُۥ مَا سَكَنَ فِي ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Sa Kanya ang anumang nanahan sa gabi at maghapon. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
14 - Al-An'am (The Cattle) - 014
قُلۡ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَتَّخِذُ وَلِيّٗا فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَهُوَ يُطۡعِمُ وَلَا يُطۡعَمُۗ قُلۡ إِنِّيٓ أُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَسۡلَمَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Sabihin mo: “Sa iba pa kay Allāh ba gagawa ako bilang katangkilik, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, at Siya ay nagpapakain at hindi pinakakain?” Sabihin mo: “Tunay na ako ay inutusan na maging una sa nagpasakop [kay Allāh].” Huwag ka ngang magiging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].
15 - Al-An'am (The Cattle) - 015
قُلۡ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Sabihin mo: “Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan.”
16 - Al-An'am (The Cattle) - 016
مَّن يُصۡرَفۡ عَنۡهُ يَوۡمَئِذٖ فَقَدۡ رَحِمَهُۥۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ
Ang sinumang pinalihis palayo roon sa Araw na iyon ay naawa nga Siya rito. Iyon ay ang pagkatamong malinaw.
17 - Al-An'am (The Cattle) - 017
وَإِن يَمۡسَسۡكَ ٱللَّهُ بِضُرّٖ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَۖ وَإِن يَمۡسَسۡكَ بِخَيۡرٖ فَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Kung sumasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi para rito kundi Siya. Kung sumasaling Siya sa iyo ng isang kabutihan, Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
18 - Al-An'am (The Cattle) - 018
وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya at Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid.
19 - Al-An'am (The Cattle) - 019
قُلۡ أَيُّ شَيۡءٍ أَكۡبَرُ شَهَٰدَةٗۖ قُلِ ٱللَّهُۖ شَهِيدُۢ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۚ وَأُوحِيَ إِلَيَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ لِأُنذِرَكُم بِهِۦ وَمَنۢ بَلَغَۚ أَئِنَّكُمۡ لَتَشۡهَدُونَ أَنَّ مَعَ ٱللَّهِ ءَالِهَةً أُخۡرَىٰۚ قُل لَّآ أَشۡهَدُۚ قُلۡ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ وَإِنَّنِي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُشۡرِكُونَ
Sabihin mo: “Aling bagay ang pinakamalaki sa pagsasaksi?” Sabihin mo: “Si Allāh ay saksi sa pagitan ko at ninyo. Ikinasi sa akin ang Qur’ān na ito upang magbabala ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito. Tunay na kayo ba ay talagang sumasaksi na may kasama kay Allāh na mga ibang diyos?” Sabihin mo: “Hindi ako sumasaksi.” Sabihin mo: “Siya ay nag-iisang Diyos lamang at tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo [sa Kanya].”
20 - Al-An'am (The Cattle) - 020
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَعۡرِفُونَهُۥ كَمَا يَعۡرِفُونَ أَبۡنَآءَهُمُۘ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakakikilala sa kanya gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya.
21 - Al-An'am (The Cattle) - 021
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga talata Niya [sa Qur’ān]? Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.
22 - Al-An'am (The Cattle) - 022
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ أَيۡنَ شُرَكَآؤُكُمُ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
Sa araw na kakalap Kami sa kanila nang lahatan, pagkatapos magsasabi Kami sa mga nagtambal: “Nasaan ang mga itinambal ninyo na dati ninyong inaakala?”
23 - Al-An'am (The Cattle) - 023
ثُمَّ لَمۡ تَكُن فِتۡنَتُهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ وَٱللَّهِ رَبِّنَا مَا كُنَّا مُشۡرِكِينَ
Pagkatapos walang [tugon sa] pagsusulit sa kanila kundi na nagsabi sila: “Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon ay hindi mga tagapagtambal.”
24 - Al-An'am (The Cattle) - 024
ٱنظُرۡ كَيۡفَ كَذَبُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡۚ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Tumingin ka kung papaanong nagsinungaling sila laban sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.
25 - Al-An'am (The Cattle) - 025
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَۖ وَجَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۚ وَإِن يَرَوۡاْ كُلَّ ءَايَةٖ لَّا يُؤۡمِنُواْ بِهَاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوكَ يُجَٰدِلُونَكَ يَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Mayroon sa kanila na nakikinig sa iyo ngunit naglagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito; hanggang sa nang dumating sila sa iyo habang makikipagtalo sila sa iyo ay magsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.”
26 - Al-An'am (The Cattle) - 026
وَهُمۡ يَنۡهَوۡنَ عَنۡهُ وَيَنۡـَٔوۡنَ عَنۡهُۖ وَإِن يُهۡلِكُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ
Sila ay sumasaway [sa mga tao] laban sa kanya at lumalayo sa kanya. Hindi sila nagpapahamak kundi sa mga sarili nila ngunit hindi nila nararamdaman.
27 - Al-An'am (The Cattle) - 027
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ وُقِفُواْ عَلَى ٱلنَّارِ فَقَالُواْ يَٰلَيۡتَنَا نُرَدُّ وَلَا نُكَذِّبَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّنَا وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung sakaling makakikita ka kapag patitigilin sila sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila: “O kung sana kami ay pababalikin [sa Mundo] at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ng Panginoon Natin at maging kabilang sa mga mananampalataya!”
28 - Al-An'am (The Cattle) - 028
بَلۡ بَدَا لَهُم مَّا كَانُواْ يُخۡفُونَ مِن قَبۡلُۖ وَلَوۡ رُدُّواْ لَعَادُواْ لِمَا نُهُواْ عَنۡهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Bagkus lumitaw sa kanila ang dati nilang ikinukubli[1] bago pa niyan. Kung sakaling pinabalik sila [sa Mundo] ay talaga sanang nanumbalik sila sa isinaway sa kanila. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
[1] ang sabi nila: "Sumpa man kay Allāh, kami ay hindi mga tagapagtambal."
29 - Al-An'am (The Cattle) - 029
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ
Nagsabi sila: “Walang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo, at kami ay hindi mga bubuhayin [para tuusin].”
30 - Al-An'am (The Cattle) - 030
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ وُقِفُواْ عَلَىٰ رَبِّهِمۡۚ قَالَ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۚ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Kung sakaling nakakikita ka kapag pinatayo sila sa Panginoon mo ay magsasabi Siya: “Hindi ba [ang pagbuhay na] ito ay ang totoo?” Magsasabi sila: “Opo, sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya [sa pagbuhay].”
31 - Al-An'am (The Cattle) - 031
قَدۡ خَسِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱللَّهِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةٗ قَالُواْ يَٰحَسۡرَتَنَا عَلَىٰ مَا فَرَّطۡنَا فِيهَا وَهُمۡ يَحۡمِلُونَ أَوۡزَارَهُمۡ عَلَىٰ ظُهُورِهِمۡۚ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ
Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh; hanggang sa nang dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan ay nagsabi sila: “O panghihinayang namin dahil sa nagpabaya kami kaugnay rito,” habang sila ay nagdadala ng mga pasanin nila sa mga likod nila. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!
32 - Al-An'am (The Cattle) - 032
وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۖ وَلَلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang paglalaro at isang paglilibang; ngunit talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
33 - Al-An'am (The Cattle) - 033
قَدۡ نَعۡلَمُ إِنَّهُۥ لَيَحۡزُنُكَ ٱلَّذِي يَقُولُونَۖ فَإِنَّهُمۡ لَا يُكَذِّبُونَكَ وَلَٰكِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Nalalaman nga Namin na tunay na talagang nagpapalungkot sa iyo ang sinasabi nila ngunit tunay na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo subalit ang mga tagalabag sa katarungan ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila.
34 - Al-An'am (The Cattle) - 034
وَلَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَ فَصَبَرُواْ عَلَىٰ مَا كُذِّبُواْ وَأُوذُواْ حَتَّىٰٓ أَتَىٰهُمۡ نَصۡرُنَاۚ وَلَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِ ٱللَّهِۚ وَلَقَدۡ جَآءَكَ مِن نَّبَإِيْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Talaga ngang may pinasinungalingan na mga sugo bago mo pa ngunit nagtiis sila sa anumang ipinasinungaling sa kanila at ipinaminsala sa kanila hanggang sa pumunta sa kanila ang pag-aadya Namin. Walang tagapalit sa mga salita ni Allāh. Talaga ngang may dumating sa iyo na balita ng mga isinugo [bago mo].
35 - Al-An'am (The Cattle) - 035
وَإِن كَانَ كَبُرَ عَلَيۡكَ إِعۡرَاضُهُمۡ فَإِنِ ٱسۡتَطَعۡتَ أَن تَبۡتَغِيَ نَفَقٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ سُلَّمٗا فِي ٱلسَّمَآءِ فَتَأۡتِيَهُم بِـَٔايَةٖۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَمَعَهُمۡ عَلَى ٱلۡهُدَىٰۚ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Kung nangyaring bumigat sa iyo ang pag-ayaw nila saka kung nakaya mo na maghanap ng isang lagusan sa lupa o isang hagdan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang tanda, [gawin mo]. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang tinipon Niya sila sa patnubay, kaya huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang.
36 - Al-An'am (The Cattle) - 036
۞إِنَّمَا يَسۡتَجِيبُ ٱلَّذِينَ يَسۡمَعُونَۘ وَٱلۡمَوۡتَىٰ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ ثُمَّ إِلَيۡهِ يُرۡجَعُونَ
Tumutugon lamang ang mga nakaririnig. Ang mga patay ay bubuhayin ni Allāh, pagkatapos tungo sa Kanya sila pababalikin.
37 - Al-An'am (The Cattle) - 037
وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يُنَزِّلَ ءَايَةٗ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsabi sila: “Bakit kasi walang ibinaba sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay nakakakaya na magbaba ng isang tanda subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.”
38 - Al-An'am (The Cattle) - 038
وَمَا مِن دَآبَّةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا طَـٰٓئِرٖ يَطِيرُ بِجَنَاحَيۡهِ إِلَّآ أُمَمٌ أَمۡثَالُكُمۚ مَّا فَرَّطۡنَا فِي ٱلۡكِتَٰبِ مِن شَيۡءٖۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يُحۡشَرُونَ
Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa ni ibong lumilipad sa pamamagitan ng mga pakpak nito malibang mga kalipunang mga tulad ninyo. Wala Kaming pinabayaan sa Talaan na anumang bagay. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila kakalapin sila.
39 - Al-An'am (The Cattle) - 039
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا صُمّٞ وَبُكۡمٞ فِي ٱلظُّلُمَٰتِۗ مَن يَشَإِ ٱللَّهُ يُضۡلِلۡهُ وَمَن يَشَأۡ يَجۡعَلۡهُ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay mga bingi at mga pipi na nasa mga kadiliman. Ang sinumang loloobin ni Allāh ay [makatarungang] magliligaw Siya rito at ang sinumang loloobin Niya ay maglalagay Siya rito sa isang landasing tuwid.
40 - Al-An'am (The Cattle) - 040
قُلۡ أَرَءَيۡتَكُمۡ إِنۡ أَتَىٰكُمۡ عَذَابُ ٱللَّهِ أَوۡ أَتَتۡكُمُ ٱلسَّاعَةُ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَدۡعُونَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo: “Naisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh o pumunta sa inyo ang Huling Sandali? Sa iba pa kay Allāh ba kayo dadalangin kung kayo ay mga tapat?”
41 - Al-An'am (The Cattle) - 041
بَلۡ إِيَّاهُ تَدۡعُونَ فَيَكۡشِفُ مَا تَدۡعُونَ إِلَيۡهِ إِن شَآءَ وَتَنسَوۡنَ مَا تُشۡرِكُونَ
Bagkus sa Kanya kayo dadalangin saka papawi Siya sa idinadalangin ninyo sa Kanya kung niloob Niya at kakalimutan ninyo ang itinatambal ninyo.
42 - Al-An'am (The Cattle) - 042
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٖ مِّن قَبۡلِكَ فَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمۡ يَتَضَرَّعُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami [ng mga sugo] sa mga kalipunan bago mo pa saka nagpataw Kami sa kanila ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba.
43 - Al-An'am (The Cattle) - 043
فَلَوۡلَآ إِذۡ جَآءَهُم بَأۡسُنَا تَضَرَّعُواْ وَلَٰكِن قَسَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ngunit bakit kasi hindi – noong dumating sa kanila ang parusa Namin – sila nagpakumbaba? Subalit tumigas ang mga puso nila at ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang dati nilang ginagawa.
44 - Al-An'am (The Cattle) - 044
فَلَمَّا نَسُواْ مَا ذُكِّرُواْ بِهِۦ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِمۡ أَبۡوَٰبَ كُلِّ شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ إِذَا فَرِحُواْ بِمَآ أُوتُوٓاْ أَخَذۡنَٰهُم بَغۡتَةٗ فَإِذَا هُم مُّبۡلِسُونَ
Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila ay nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng bawat bagay; hanggang sa nang natuwa sila sa ibinigay sa kanila ay dumaklot Kami sa kanila nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalulumbay.
45 - Al-An'am (The Cattle) - 045
فَقُطِعَ دَابِرُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْۚ وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya pinutol ang kahuli-hulihan sa mga taong lumabag sa katarungan. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
46 - Al-An'am (The Cattle) - 046
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَخَذَ ٱللَّهُ سَمۡعَكُمۡ وَأَبۡصَٰرَكُمۡ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُم مَّنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِهِۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ ثُمَّ هُمۡ يَصۡدِفُونَ
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung kumuha si Allāh sa pandinig ninyo at mga paningin ninyo at nagpinid Siya sa mga puso ninyo, sinong diyos na iba pa kay Allāh ang magdudulot sa inyo nito?” Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, pagkatapos sila ay lumilihis.
47 - Al-An'am (The Cattle) - 047
قُلۡ أَرَءَيۡتَكُمۡ إِنۡ أَتَىٰكُمۡ عَذَابُ ٱللَّهِ بَغۡتَةً أَوۡ جَهۡرَةً هَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
Sabihin mo: “Naisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan o lantaran? [May] ipinahahamak pa kaya kundi ang mga taong tagalabag sa katarungan?”
48 - Al-An'am (The Cattle) - 048
وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۖ فَمَنۡ ءَامَنَ وَأَصۡلَحَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Kaya ang sinumang sumampalataya at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
49 - Al-An'am (The Cattle) - 049
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَمَسُّهُمُ ٱلۡعَذَابُ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay sasaling sa kanila ang pagdurusa dahil sa dati silang nagpapakasuwail.
50 - Al-An'am (The Cattle) - 050
قُل لَّآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ إِنِّي مَلَكٌۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّۚ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُۚ أَفَلَا تَتَفَكَّرُونَ
Sabihin mo: “Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin.” Sabihin mo: “Nagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? Hindi ba kayo nag-iisip-isip?”
51 - Al-An'am (The Cattle) - 051
وَأَنذِرۡ بِهِ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَن يُحۡشَرُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ لَيۡسَ لَهُم مِّن دُونِهِۦ وَلِيّٞ وَلَا شَفِيعٞ لَّعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila – walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.
52 - Al-An'am (The Cattle) - 052
وَلَا تَطۡرُدِ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ مَا عَلَيۡكَ مِنۡ حِسَابِهِم مِّن شَيۡءٖ وَمَا مِنۡ حِسَابِكَ عَلَيۡهِم مِّن شَيۡءٖ فَتَطۡرُدَهُمۡ فَتَكُونَ مِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.
53 - Al-An'am (The Cattle) - 053
وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لِّيَقُولُوٓاْ أَهَـٰٓؤُلَآءِ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنۢ بَيۡنِنَآۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِٱلشَّـٰكِرِينَ
Gayon Kami tumukso sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa upang magsabi sila: “Ang mga ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh [sa pagpatnubay] sa kanila sa gitna namin?” Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa mga tagapagpasalamat?
54 - Al-An'am (The Cattle) - 054
وَإِذَا جَآءَكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِنَا فَقُلۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۖ كَتَبَ رَبُّكُمۡ عَلَىٰ نَفۡسِهِ ٱلرَّحۡمَةَ أَنَّهُۥ مَنۡ عَمِلَ مِنكُمۡ سُوٓءَۢا بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ تَابَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَصۡلَحَ فَأَنَّهُۥ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kapag dumating sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay sabihin mo: “Kapayapaan ay sumainyo.” Nagtakda ang Panginoon ninyo sa sarili Niya ng pagkaawa: na ang sinumang gumawa kabilang sa inyo ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob matapos na nito at nagsaayos, tunay na Siya ay Mapagpatawad, Maawain.
55 - Al-An'am (The Cattle) - 055
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلِتَسۡتَبِينَ سَبِيلُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda at upang magpalinaw ang landas ng mga salarin.
56 - Al-An'am (The Cattle) - 056
قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۚ قُل لَّآ أَتَّبِعُ أَهۡوَآءَكُمۡ قَدۡ ضَلَلۡتُ إِذٗا وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُهۡتَدِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh.” Sabihin mo: “Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo; naligaw nga sana ako samakatuwid at hindi sana ako kabilang sa mga napapatnubayan.”
57 - Al-An'am (The Cattle) - 057
قُلۡ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَكَذَّبۡتُم بِهِۦۚ مَا عِندِي مَا تَسۡتَعۡجِلُونَ بِهِۦٓۚ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِۖ يَقُصُّ ٱلۡحَقَّۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡفَٰصِلِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagpasinungaling kayo rito. Hindi nasa ganang akin ang minamadali ninyo. Ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang. Isinasalaysay Niya ang katotohanan at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagabukod.”
58 - Al-An'am (The Cattle) - 058
قُل لَّوۡ أَنَّ عِندِي مَا تَسۡتَعۡجِلُونَ بِهِۦ لَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۗ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِٱلظَّـٰلِمِينَ
Sabihin mo: “Kung sakaling nasa ganang akin ang [pagdurusang] minamadali ninyo ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin sa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan.”
59 - Al-An'am (The Cattle) - 059
۞وَعِندَهُۥ مَفَاتِحُ ٱلۡغَيۡبِ لَا يَعۡلَمُهَآ إِلَّا هُوَۚ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۚ وَمَا تَسۡقُطُ مِن وَرَقَةٍ إِلَّا يَعۡلَمُهَا وَلَا حَبَّةٖ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡأَرۡضِ وَلَا رَطۡبٖ وَلَا يَابِسٍ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ
Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw.
60 - Al-An'am (The Cattle) - 060
وَهُوَ ٱلَّذِي يَتَوَفَّىٰكُم بِٱلَّيۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا جَرَحۡتُم بِٱلنَّهَارِ ثُمَّ يَبۡعَثُكُمۡ فِيهِ لِيُقۡضَىٰٓ أَجَلٞ مُّسَمّٗىۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ مَرۡجِعُكُمۡ ثُمَّ يُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Siya ay ang nagpapapanaw sa inyo sa gabi [sa pagtulog] at nakaaalam sa nagawa ninyo sa maghapon. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo roon upang makatapos ng isang taning na tinukoy. Pagkatapos tungo sa Kanya ang babalikan ninyo. Pagkatapos magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.
61 - Al-An'am (The Cattle) - 061
وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۖ وَيُرۡسِلُ عَلَيۡكُمۡ حَفَظَةً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ تَوَفَّتۡهُ رُسُلُنَا وَهُمۡ لَا يُفَرِّطُونَ
Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga [anghel na] tagapag-ingat; hanggang sa nang dumating sa isa sa inyo ang kamatayan ay nagpapanaw rito ang mga [anghel ng kamatayan na] sugo Namin habang sila ay hindi nagpapabaya.
62 - Al-An'am (The Cattle) - 062
ثُمَّ رُدُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ مَوۡلَىٰهُمُ ٱلۡحَقِّۚ أَلَا لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَهُوَ أَسۡرَعُ ٱلۡحَٰسِبِينَ
Pagkatapos isasauli sila[2] kay Allāh, ang Pinagpapatangkilikan nilang totoo. Pansinin, ukol sa Kanya ang paghahatol, at Siya ay ang pinakamabilis sa mga tagatuos.
[2] Ibig sabihin: ang mga tao.
63 - Al-An'am (The Cattle) - 063
قُلۡ مَن يُنَجِّيكُم مِّن ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ تَدۡعُونَهُۥ تَضَرُّعٗا وَخُفۡيَةٗ لَّئِنۡ أَنجَىٰنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّـٰكِرِينَ
Sabihin mo: “Sino ang nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo [nang hayagan] sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim [na nagsasabi]: “Talagang kung paliligtasin Niya kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.”
64 - Al-An'am (The Cattle) - 064
قُلِ ٱللَّهُ يُنَجِّيكُم مِّنۡهَا وَمِن كُلِّ كَرۡبٖ ثُمَّ أَنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Sabihin mo: “Si Allāh ay magliligtas sa inyo mula roon at mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo ay nagtatambal.”
65 - Al-An'am (The Cattle) - 065
قُلۡ هُوَ ٱلۡقَادِرُ عَلَىٰٓ أَن يَبۡعَثَ عَلَيۡكُمۡ عَذَابٗا مِّن فَوۡقِكُمۡ أَوۡ مِن تَحۡتِ أَرۡجُلِكُمۡ أَوۡ يَلۡبِسَكُمۡ شِيَعٗا وَيُذِيقَ بَعۡضَكُم بَأۡسَ بَعۡضٍۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَفۡقَهُونَ
Sabihin mo: “Siya ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusa mula sa ibabaw ninyo o mula sa ilalim ng mga paa ninyo, o na magpalito sa inyo [para maging] mga pangkatin at magpalasap sa ilan sa inyo ng karahasan ng iba pa.” Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, nang sa gayon sila ay makauunawa.
66 - Al-An'am (The Cattle) - 066
وَكَذَّبَ بِهِۦ قَوۡمُكَ وَهُوَ ٱلۡحَقُّۚ قُل لَّسۡتُ عَلَيۡكُم بِوَكِيلٖ
Nagpasinungaling dito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanan [mula kay Allāh]. Sabihin mo: “Hindi ako sa inyo isang pinananaligan.”
67 - Al-An'am (The Cattle) - 067
لِّكُلِّ نَبَإٖ مُّسۡتَقَرّٞۚ وَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Para sa bawat balita ay isang pinagtitigilan, at malalaman ninyo [ang kahihinatnan].
68 - Al-An'am (The Cattle) - 068