النجم

 

An-Najm

 

The Star

1 - An-Najm (The Star) - 001

وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito,

2 - An-Najm (The Star) - 002

مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ
Hindi naligaw ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] at hindi siya nalisya.

3 - An-Najm (The Star) - 003

وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ
Hindi siya bumibigkas ayon sa [sariling] pithaya.

4 - An-Najm (The Star) - 004

إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ
Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.

5 - An-Najm (The Star) - 005

عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ
Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,

6 - An-Najm (The Star) - 006

ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ
[si Anghel Gabriel] na may kapangyarihan saka tumindig [ayon sa anyo ng pagkakalikha],

7 - An-Najm (The Star) - 007

وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.

8 - An-Najm (The Star) - 008

ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ
Pagkatapos lumapit ito saka pumanaog ito.

9 - An-Najm (The Star) - 009

فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ
Kaya ito ay naging nasa layo ng dalawang pana o higit na malapit.

10 - An-Najm (The Star) - 010

فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ
Kaya nagkasi Siya sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.

11 - An-Najm (The Star) - 011

مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ
Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.

12 - An-Najm (The Star) - 012

أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ
Kaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya?

13 - An-Najm (The Star) - 013

وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ
Talaga ngang nakita niya [si Gabriel na] ito sa iba pang pagkababa,

14 - An-Najm (The Star) - 014

عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ
sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan,

15 - An-Najm (The Star) - 015

عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ
sa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan,

16 - An-Najm (The Star) - 016

إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ
noong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot.

17 - An-Najm (The Star) - 017

مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ
Hindi lumiko ang paningin [ni Propeta Muḥammad] at hindi ito lumampas.

18 - An-Najm (The Star) - 018

لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ
Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya.

19 - An-Najm (The Star) - 019

أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّـٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ
Kaya nakaisip ba kayo [O mga tagapagtambal] kina Allāt at Al`uzzā,[1]
[1] na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh

20 - An-Najm (The Star) - 020

وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ
at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?

21 - An-Najm (The Star) - 021

أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ
Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?

22 - An-Najm (The Star) - 022

تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ
Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko.

23 - An-Najm (The Star) - 023

إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ
Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.

24 - An-Najm (The Star) - 024

أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ
O ukol ba sa [bawat] tao ang anumang [tagapamagitang] minithi niya?

25 - An-Najm (The Star) - 025

فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ
Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.

26 - An-Najm (The Star) - 026

۞وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.

27 - An-Najm (The Star) - 027

إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ تَسۡمِيَةَ ٱلۡأُنثَىٰ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae.[2]
[2] dahil sa paniniwala nila na ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh

28 - An-Najm (The Star) - 028

وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّۖ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـٔٗا
Walang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman.

29 - An-Najm (The Star) - 029

فَأَعۡرِضۡ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكۡرِنَا وَلَمۡ يُرِدۡ إِلَّا ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Kaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa [Qur’ān na] paalaala Namin [mula sa Qur’ān] at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo.

30 - An-Najm (The Star) - 030

ذَٰلِكَ مَبۡلَغُهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱهۡتَدَىٰ
Iyon ay ang inaabot nila mula sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan.

31 - An-Najm (The Star) - 031

وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَسَـٰٓـُٔواْ بِمَا عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ بِٱلۡحُسۡنَى
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda.

32 - An-Najm (The Star) - 032

ٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَـٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَۚ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلۡمَغۡفِرَةِۚ هُوَ أَعۡلَمُ بِكُمۡ إِذۡ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَإِذۡ أَنتُمۡ أَجِنَّةٞ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡۖ فَلَا تُزَكُّوٓاْ أَنفُسَكُمۡۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ
Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magbusilak ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala.

33 - An-Najm (The Star) - 033

أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي تَوَلَّىٰ
Kaya nakita mo ba ang tumalikod [sa Islām],

34 - An-Najm (The Star) - 034

وَأَعۡطَىٰ قَلِيلٗا وَأَكۡدَىٰٓ
at nagbibigay ng kaunti at nagmaramot?

35 - An-Najm (The Star) - 035

أَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡغَيۡبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ
Taglay ba niya ang kaalaman sa nakalingid kaya siya ay nakakikita?

36 - An-Najm (The Star) - 036

أَمۡ لَمۡ يُنَبَّأۡ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ
O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises

37 - An-Najm (The Star) - 037

وَإِبۡرَٰهِيمَ ٱلَّذِي وَفَّىٰٓ
at [mga kalatas] ni Abraham na tumupad:

38 - An-Najm (The Star) - 038

أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰ
na hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba,[3]
[3] na hindi mananagot ang isang tao sa kasalanan ng ibang tao

39 - An-Najm (The Star) - 039

وَأَن لَّيۡسَ لِلۡإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ
na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya,

40 - An-Najm (The Star) - 040

وَأَنَّ سَعۡيَهُۥ سَوۡفَ يُرَىٰ
at na ang pagpupunyagi niya ay makikita.

41 - An-Najm (The Star) - 041

ثُمَّ يُجۡزَىٰهُ ٱلۡجَزَآءَ ٱلۡأَوۡفَىٰ
Pagkatapos gagantihan siya ng ganting pinakasapat.

42 - An-Najm (The Star) - 042

وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلۡمُنتَهَىٰ
Na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan [matapos ng kamatayan].

43 - An-Najm (The Star) - 043

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضۡحَكَ وَأَبۡكَىٰ
Na Siya ay nagpatawa at nagpaiyak.

44 - An-Najm (The Star) - 044

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحۡيَا
Na Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay.

45 - An-Najm (The Star) - 045

وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰ
Na Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae,

46 - An-Najm (The Star) - 046

مِن نُّطۡفَةٍ إِذَا تُمۡنَىٰ
mula sa patak kapag ibinuhos ito.

47 - An-Najm (The Star) - 047

وَأَنَّ عَلَيۡهِ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰ
Na nasa Kanya ang pagpapaluwal na iba pa.[4]
[4] Ibig sabihin: ang pagpapanumbalik ng buhay sa patay.

48 - An-Najm (The Star) - 048

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغۡنَىٰ وَأَقۡنَىٰ
Na Siya ay nagpayaman at nagbigay-kasiyahan.

49 - An-Najm (The Star) - 049

وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعۡرَىٰ
Na Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius.[5]
[5] Ang bituin na sinasamba noon kasama kay Allāh ng ilan sa mga tagapagtambal.

50 - An-Najm (The Star) - 050

وَأَنَّهُۥٓ أَهۡلَكَ عَادًا ٱلۡأُولَىٰ
Na Siya ay nagpahamak sa [liping] `Ād na sinauna

51 - An-Najm (The Star) - 051

وَثَمُودَاْ فَمَآ أَبۡقَىٰ
at [liping] Thamūd, kaya hindi Siya nagtira.

52 - An-Najm (The Star) - 052

وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ هُمۡ أَظۡلَمَ وَأَطۡغَىٰ
[Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis.

53 - An-Najm (The Star) - 053

وَٱلۡمُؤۡتَفِكَةَ أَهۡوَىٰ
Ang itinaob ay pinalagpak Niya,

54 - An-Najm (The Star) - 054

فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ
saka bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya.

55 - An-Najm (The Star) - 055

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ
Kaya hinggil sa alin sa mga grasya ng Panginoon mo nagtataltalan ka?

56 - An-Najm (The Star) - 056

هَٰذَا نَذِيرٞ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلۡأُولَىٰٓ
[Ang Sugong] ito ay isang mapagbabala kabilang sa mga mapagbabalang sinauna.

57 - An-Najm (The Star) - 057

أَزِفَتِ ٱلۡأٓزِفَةُ
Nalapit ang Papalapit.

58 - An-Najm (The Star) - 058

لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ
Walang ukol dito bukod pa kay Allāh na isang tagahawi.

59 - An-Najm (The Star) - 059

أَفَمِنۡ هَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ تَعۡجَبُونَ
Kaya ba sa salaysay na ito nagtataka kayo?

60 - An-Najm (The Star) - 060

وَتَضۡحَكُونَ وَلَا تَبۡكُونَ
Tumatawa kayo at hindi kayo umiiyak,

61 - An-Najm (The Star) - 061

وَأَنتُمۡ سَٰمِدُونَ
habang kayo ay mga nagsasaya.

62 - An-Najm (The Star) - 062

فَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ وَٱعۡبُدُواْ۩
Kaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo.

[sc name="verse"][/sc]

Scroll to Top