النساء
An-Nisa
The Women
1 - An-Nisa (The Women) - 001
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالٗا كَثِيرٗا وَنِسَآءٗۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبٗا
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga kaanak. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.
2 - An-Nisa (The Women) - 002
وَءَاتُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰٓ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَتَبَدَّلُواْ ٱلۡخَبِيثَ بِٱلطَّيِّبِۖ وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَهُمۡ إِلَىٰٓ أَمۡوَٰلِكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حُوبٗا كَبِيرٗا
Ibigay ninyo sa mga ulila ang mga yaman nila. Huwag ninyong ipalit ang karima-rimarim ng kaaya-aya. Huwag ninyong kainin ang mga yaman nila kasama sa mga yaman ninyo. Tunay na ito ay laging isang kasalanang malaki.
3 - An-Nisa (The Women) - 003
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تُقۡسِطُواْ فِي ٱلۡيَتَٰمَىٰ فَٱنكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ مَثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تَعۡدِلُواْ فَوَٰحِدَةً أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَعُولُواْ
Kung nangamba kayo na hindi kayo magpakamakatarungan sa mga babaing ulila ay mag-asawa kayo ng naging kaaya-aya para sa inyo na mga babae: dalawahan o tatluhan o apatan. Ngunit kung nangamba kayo na hindi kayo maging makatarungan ay [mag-asawa ng] isa o anumang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Iyon ay pinakamalapit na hindi kayo mang-api.
4 - An-Nisa (The Women) - 004
وَءَاتُواْ ٱلنِّسَآءَ صَدُقَٰتِهِنَّ نِحۡلَةٗۚ فَإِن طِبۡنَ لَكُمۡ عَن شَيۡءٖ مِّنۡهُ نَفۡسٗا فَكُلُوهُ هَنِيٓـٔٗا مَّرِيٓـٔٗا
Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo. Ngunit kung nagparaya sila para sa inyo ng anuman mula rito nang kusang-loob ay tanggapin ninyo ito nang kaiga-igayang kasiya-siya.
5 - An-Nisa (The Women) - 005
وَلَا تُؤۡتُواْ ٱلسُّفَهَآءَ أَمۡوَٰلَكُمُ ٱلَّتِي جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ قِيَٰمٗا وَٱرۡزُقُوهُمۡ فِيهَا وَٱكۡسُوهُمۡ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Huwag kayong magbigay sa mga hunghang ng mga yaman ninyo na ginawa ni Allāh para sa inyo bilang pantaguyod. Tumustos kayo sa kanila sa mga ito, magpadamit kayo sa kanila, at magsabi kayo sa kanila ng isang pagsabing nakabubuti.
6 - An-Nisa (The Women) - 006
وَٱبۡتَلُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغُواْ ٱلنِّكَاحَ فَإِنۡ ءَانَسۡتُم مِّنۡهُمۡ رُشۡدٗا فَٱدۡفَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَأۡكُلُوهَآ إِسۡرَافٗا وَبِدَارًا أَن يَكۡبَرُواْۚ وَمَن كَانَ غَنِيّٗا فَلۡيَسۡتَعۡفِفۡۖ وَمَن كَانَ فَقِيرٗا فَلۡيَأۡكُلۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِذَا دَفَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡ فَأَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا
Subukin ninyo ang mga ulila hanggang sa kapag umabot sila sa pag-aasawa; saka kung nakapansin kayo mula sa kanila ng isang pagkagabay, ibigay ninyo sa kanila ang mga yaman nila. Huwag kayong gumamit ng mga ito sa pagpapakalabis at pagdadali-dali na baka lumaki sila. Ang sinumang naging mayaman ay magpigil [sa pagpapabayad] at ang sinumang naging maralita ay kumuha ayon sa makatwiran. Kaya kapag nag-abot kayo sa kanila ng mga yaman nila ay magpasaksi kayo sa kanila. Sumapat si Allāh bilang Mapagtuos.
7 - An-Nisa (The Women) - 007
لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنۡهُ أَوۡ كَثُرَۚ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا
Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.
8 - An-Nisa (The Women) - 008
وَإِذَا حَضَرَ ٱلۡقِسۡمَةَ أُوْلُواْ ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينُ فَٱرۡزُقُوهُم مِّنۡهُ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Kapag dumalo sa paghahati ang mga mayroong pagkakamag-anak, ang mga ulila, at ang mga dukha ay magkaloob kayo sa kanila mula rito at magsabi kayo sa kanila ng nakabubuti.
9 - An-Nisa (The Women) - 009
وَلۡيَخۡشَ ٱلَّذِينَ لَوۡ تَرَكُواْ مِنۡ خَلۡفِهِمۡ ذُرِّيَّةٗ ضِعَٰفًا خَافُواْ عَلَيۡهِمۡ فَلۡيَتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡيَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدًا
Matakot ang mga [tagapagpatupad na] kung sakaling nag-iwan sila sa pagyao nila ng mga supling na mahina ay mangangamba sila para sa mga ito. Kaya mangilag silang magkasala kay Allāh at magsabi sila ng sinasabing tama.
10 - An-Nisa (The Women) - 010
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلۡيَتَٰمَىٰ ظُلۡمًا إِنَّمَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ نَارٗاۖ وَسَيَصۡلَوۡنَ سَعِيرٗا
Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng kawalang-katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab [ng Impiyerno].
11 - An-Nisa (The Women) - 011
يُوصِيكُمُ ٱللَّهُ فِيٓ أَوۡلَٰدِكُمۡۖ لِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۚ فَإِن كُنَّ نِسَآءٗ فَوۡقَ ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَۖ وَإِن كَانَتۡ وَٰحِدَةٗ فَلَهَا ٱلنِّصۡفُۚ وَلِأَبَوَيۡهِ لِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِن كَانَ لَهُۥ وَلَدٞۚ فَإِن لَّمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلَدٞ وَوَرِثَهُۥٓ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ ٱلثُّلُثُۚ فَإِن كَانَ لَهُۥٓ إِخۡوَةٞ فَلِأُمِّهِ ٱلسُّدُسُۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِي بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍۗ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ لَا تَدۡرُونَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ لَكُمۡ نَفۡعٗاۚ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati. Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak. Ngunit kung hindi siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo. Ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin niya o ng [pambayad sa] isang utang. Ang mga magulang ninyo at ang mga anak ninyo ay hindi kayo nakababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit para sa inyo sa pakinabang. [Ang paghahating ito ay] isang tungkulin mula kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
12 - An-Nisa (The Women) - 012
۞وَلَكُمۡ نِصۡفُ مَا تَرَكَ أَزۡوَٰجُكُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهُنَّ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَهُنَّ وَلَدٞ فَلَكُمُ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡنَۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِينَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۚ وَلَهُنَّ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡتُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّكُمۡ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَكُمۡ وَلَدٞ فَلَهُنَّ ٱلثُّمُنُ مِمَّا تَرَكۡتُمۚ مِّنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ تُوصُونَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۗ وَإِن كَانَ رَجُلٞ يُورَثُ كَلَٰلَةً أَوِ ٱمۡرَأَةٞ وَلَهُۥٓ أَخٌ أَوۡ أُخۡتٞ فَلِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُۚ فَإِن كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِن ذَٰلِكَ فَهُمۡ شُرَكَآءُ فِي ٱلثُّلُثِۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصَىٰ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍ غَيۡرَ مُضَآرّٖۚ وَصِيَّةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَلِيمٞ
Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin nila o ng [pambayad sa] isang pautang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo matapos na ng [pagkaltas ng] ng isang tagubiling isinasatagubilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang. Kung ang isang lalaki o ang isang babaing nagpapamana ay walang anak ni magulang at mayroon siyang isang lalaking kapatid o isang babaing kapatid [sa ina], ukol sa bawat isa sa dalawa ang ikaanim; ngunit kung sila ay higit kaysa roon, sila ay magkakahati sa ikatlo matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin o ng [pambayad sa] isang utang, nang hindi pumipinsala,[1] bilang tagubilin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Matimpiin.
[1] sa mga tagapagmana gaya ng pagtatagubilin sa iba ng higit sa isang katlo (1/3) ng maiiwan.
13 - An-Nisa (The Women) - 013
تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
14 - An-Nisa (The Women) - 014
وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُۥ يُدۡخِلۡهُ نَارًا خَٰلِدٗا فِيهَا وَلَهُۥ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.
15 - An-Nisa (The Women) - 015
وَٱلَّـٰتِي يَأۡتِينَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مِن نِّسَآئِكُمۡ فَٱسۡتَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِنَّ أَرۡبَعَةٗ مِّنكُمۡۖ فَإِن شَهِدُواْ فَأَمۡسِكُوهُنَّ فِي ٱلۡبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّىٰهُنَّ ٱلۡمَوۡتُ أَوۡ يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلٗا
Ang mga gumagawa ng mahalay [na pangangalunya] kabilang sa kababaihan ninyo ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat [na saksi] kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon ay panatilihin ninyo sila sa mga bahay hanggang sa magpapanaw sa kanila ang kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang [ibang] landas.
16 - An-Nisa (The Women) - 016
وَٱلَّذَانِ يَأۡتِيَٰنِهَا مِنكُمۡ فَـَٔاذُوهُمَاۖ فَإِن تَابَا وَأَصۡلَحَا فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ تَوَّابٗا رَّحِيمًا
Ang dalawang gumagawa nito kabilang sa inyo ay saktan ninyo silang dalawa. Kung nagbalik-loob silang dalawa at nagsaayos silang dalawa ay iwan ninyo silang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
17 - An-Nisa (The Women) - 017
إِنَّمَا ٱلتَّوۡبَةُ عَلَى ٱللَّهِ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِن قَرِيبٖ فَأُوْلَـٰٓئِكَ يَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Ang pagbabalik-loob ay nasa [pagtanggap mula] kay Allāh lamang ukol sa mga nakagagawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbabalik-loob sila kaagad, kaya naman ang mga iyon ay tinatanggapan ni Allāh ng pagbabalik-loob. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
18 - An-Nisa (The Women) - 018
وَلَيۡسَتِ ٱلتَّوۡبَةُ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ حَتَّىٰٓ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ إِنِّي تُبۡتُ ٱلۡـَٰٔنَ وَلَا ٱلَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمۡ كُفَّارٌۚ أُوْلَـٰٓئِكَ أَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
Ang pagbabalik-loob ay hindi ukol [tanggapin] sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa; hanggang sa nang dumalo sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon,” at hindi [ukol tanggapin] sa mga namamatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya. Ang mga iyon ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
19 - An-Nisa (The Women) - 019
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَرِثُواْ ٱلنِّسَآءَ كَرۡهٗاۖ وَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ لِتَذۡهَبُواْ بِبَعۡضِ مَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِن كَرِهۡتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰٓ أَن تَكۡرَهُواْ شَيۡـٔٗا وَيَجۡعَلَ ٱللَّهُ فِيهِ خَيۡرٗا كَثِيرٗا
O mga sumampalataya, hindi ipinahihintulot para sa inyo na magmana kayo ng mga babae nang sapilitan ni humadlang kayo sa kanila [sa pag-aasawa] upang makakuha kayo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila, maliban na gumawa sila ng isang mahalay na nagliliwanag. Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.
20 - An-Nisa (The Women) - 020
وَإِنۡ أَرَدتُّمُ ٱسۡتِبۡدَالَ زَوۡجٖ مَّكَانَ زَوۡجٖ وَءَاتَيۡتُمۡ إِحۡدَىٰهُنَّ قِنطَارٗا فَلَا تَأۡخُذُواْ مِنۡهُ شَيۡـًٔاۚ أَتَأۡخُذُونَهُۥ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Kung nagnais kayo ng pagpapalit ng isang maybahay kapalit ng [ibang] maybahay at nagbigay kayo sa isa sa kanila ng isang bunton [ng regalo] ay huwag kayong kumuha mula rito ng anuman. Kukuha ba kayo nito bilang paninirang-puri at kasalanang malinaw?
21 - An-Nisa (The Women) - 021
وَكَيۡفَ تَأۡخُذُونَهُۥ وَقَدۡ أَفۡضَىٰ بَعۡضُكُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ وَأَخَذۡنَ مِنكُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Papaano kayong kukuha nito samantalang nagtalik na ang isa’t isa sa inyo at tumanggap sila mula sa inyo ng isang kasunduang mahigpit?
22 - An-Nisa (The Women) - 022
وَلَا تَنكِحُواْ مَا نَكَحَ ءَابَآؤُكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۚ إِنَّهُۥ كَانَ فَٰحِشَةٗ وَمَقۡتٗا وَسَآءَ سَبِيلًا
Huwag kayong mag-asawa ng mga babaing napangasawa ng mga ama ninyo, maliban sa nagdaan na.[2] Tunay na iyon ay laging mahalay, kapuot-puot, at sumagwa bilang landas.
[2] Ibig sabihin: bago umanib sa Islam
23 - An-Nisa (The Women) - 023
حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمۡ أُمَّهَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُمۡ وَعَمَّـٰتُكُمۡ وَخَٰلَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُ ٱلۡأَخِ وَبَنَاتُ ٱلۡأُخۡتِ وَأُمَّهَٰتُكُمُ ٱلَّـٰتِيٓ أَرۡضَعۡنَكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُم مِّنَ ٱلرَّضَٰعَةِ وَأُمَّهَٰتُ نِسَآئِكُمۡ وَرَبَـٰٓئِبُكُمُ ٱلَّـٰتِي فِي حُجُورِكُم مِّن نِّسَآئِكُمُ ٱلَّـٰتِي دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَإِن لَّمۡ تَكُونُواْ دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ وَحَلَـٰٓئِلُ أَبۡنَآئِكُمُ ٱلَّذِينَ مِنۡ أَصۡلَٰبِكُمۡ وَأَن تَجۡمَعُواْ بَيۡنَ ٱلۡأُخۡتَيۡنِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ipinagbawal sa inyo [na mapangasawa] ang mga ina ninyo, ang mga babaing anak ninyo, ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak ng lalaking kapatid, ang mga babaing anak ng babaing kapatid, ang mga ina ninyo na nagpasuso sa inyo, ang mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso, ang mga ina ng mga maybahay ninyo, ang mga babaing anak na panguman ninyong nasa ilalim ng pangangalaga ninyo mula sa mga maybahay ninyong nakipagtalik kayo sa kanila, subalit kung hindi kayo nakipagtalik sa kanila ay walang maisisisi sa iyo [sa pagpapakasal sa mga ito], ang mga maybahay ng mga lalaking anak ninyo mula sa mga gulugod ninyo, at na pagsabayin ninyo [bilang mga maybahay] ang dalawang babaing magkapatid, maliban sa nagdaan na. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
24 - An-Nisa (The Women) - 024
۞وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۖ كِتَٰبَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ وَأُحِلَّ لَكُم مَّا وَرَآءَ ذَٰلِكُمۡ أَن تَبۡتَغُواْ بِأَمۡوَٰلِكُم مُّحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَۚ فَمَا ٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهِۦ مِنۡهُنَّ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا تَرَٰضَيۡتُم بِهِۦ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡفَرِيضَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
[Ipinagbawal din] ang mga nakapag-asawa kabilang sa mga babae maliban sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo, bilang pagtatakda ni Allāh para sa inyo. Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon, [sa kundisyon] na maghangad kayo kapalit ng [bigay-kaya mula sa] mga yaman ninyo bilang mga nanananggalang sa pangangalunya hindi mga nangangalunya. Ang nagtamasa kayo mula sa kanila ay magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila bilang tungkuling regalo. Walang maisisisi sa inyo kaugnay sa nagkaluguran kayo matapos na ng [pagtatakda ng regalong] tungkulin. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
25 - An-Nisa (The Women) - 025
وَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ مِنكُمۡ طَوۡلًا أَن يَنكِحَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ فَمِن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن فَتَيَٰتِكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِكُمۚ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ فَٱنكِحُوهُنَّ بِإِذۡنِ أَهۡلِهِنَّ وَءَاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِ مُحۡصَنَٰتٍ غَيۡرَ مُسَٰفِحَٰتٖ وَلَا مُتَّخِذَٰتِ أَخۡدَانٖۚ فَإِذَآ أُحۡصِنَّ فَإِنۡ أَتَيۡنَ بِفَٰحِشَةٖ فَعَلَيۡهِنَّ نِصۡفُ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ مِنَ ٱلۡعَذَابِۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ ٱلۡعَنَتَ مِنكُمۡۚ وَأَن تَصۡبِرُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Ang sinumang hindi nakaya kabilang sa inyo ng kaparaanan na mag-asawa ng mga nakapag-asawang babae na mga mananampalataya ay [mag-asawa] mula sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo kabilang sa mga babaing alipin ninyong mga mananampalataya. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya ninyo. Kayo ay mula sa isa’t isa. Kaya mag-asawa kayo sa kanila – ayon sa pahintulot ng mga amo nila at magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila ayon sa nakabubuti – na mga nakapag-asawang babae na hindi mga nangangalunyang babae ni mga gumagawa ng mga kalaguyo. Ngunit kapag pinasanggalang sila [sa pag-aasawa] at kung gumawa sila ng isang mahalay ay kailangan sa kanila ang kalahati ng kailangan sa mga babaing malaya mula sa pagdurusa. Iyon[3] ay ukol sa sinumang natakot sa kalunya kabilang sa inyo. Ang magtiis[4] kayo ay higit na mabuti para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[3] Ibig sabihin: ang pagpapahintulot ng pag-aasawa ng babaing aliping minamay-ari.
[4] sa hindi pag-aasawa ng babaing alipin
26 - An-Nisa (The Women) - 026
يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمۡ وَيَهۡدِيَكُمۡ سُنَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَيَتُوبَ عَلَيۡكُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Nagnanais si Allāh na maglinaw para sa inyo, magpatnubay sa inyo ng mga kalakaran ng mga bago pa ninyo, at tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
27 - An-Nisa (The Women) - 027
وَٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡكُمۡ وَيُرِيدُ ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلشَّهَوَٰتِ أَن تَمِيلُواْ مَيۡلًا عَظِيمٗا
Si Allāh ay nagnanais na tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo at nagnanais ang mga sumusunod sa mga pagnanasa na lumihis kayo nang isang pagkalihis na sukdulan.
28 - An-Nisa (The Women) - 028
يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُخَفِّفَ عَنكُمۡۚ وَخُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ ضَعِيفٗا
Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo. Nilikha ang tao na mahina [sa kalikasan nito at kaasalan nito].
29 - An-Nisa (The Women) - 029
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً عَن تَرَاضٖ مِّنكُمۡۚ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا
O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo. Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo;[5] tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.
[5] O Huwag kayong pumatay sa isa’t isa sa mga sarili ninyo.
30 - An-Nisa (The Women) - 030
وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ عُدۡوَٰنٗا وَظُلۡمٗا فَسَوۡفَ نُصۡلِيهِ نَارٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرًا
Ang sinumang gumagawa niyon dala ng pangangaway at kawalang-katarungan ay magsusunog Kami sa kanya sa Apoy. Laging iyon kay Allāh ay madali.
31 - An-Nisa (The Women) - 031
إِن تَجۡتَنِبُواْ كَبَآئِرَ مَا تُنۡهَوۡنَ عَنۡهُ نُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَنُدۡخِلۡكُم مُّدۡخَلٗا كَرِيمٗا
Kung iiwas kayo sa mga malaking kasalanan na isinaway sa inyo ay magtatakip-sala Kami sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapapasok Kami sa inyo sa isang pasukang marangal [sa Paraiso].
32 - An-Nisa (The Women) - 032
وَلَا تَتَمَنَّوۡاْ مَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بِهِۦ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبُواْۖ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبۡنَۚ وَسۡـَٔلُواْ ٱللَّهَ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Huwag kayong magmithi ng ipinantangi ni Allāh sa ilan sa inyo higit sa iba. Ukol sa mga lalaki ay bahagi mula sa nakamit nila at ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila. Humingi kayo kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.
33 - An-Nisa (The Women) - 033
وَلِكُلّٖ جَعَلۡنَا مَوَٰلِيَ مِمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَۚ وَٱلَّذِينَ عَقَدَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ فَـَٔاتُوهُمۡ نَصِيبَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا
Para sa lahat ay gumawa Kami ng mga tagapagmana mula sa naiwan ng mga magulang at mga malapit na kaanak. Ang mga pumatungkol ang mga panunumpa ninyo ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila [sa pamana]. Tunay na si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.
34 - An-Nisa (The Women) - 034
ٱلرِّجَالُ قَوَّـٰمُونَ عَلَى ٱلنِّسَآءِ بِمَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ وَبِمَآ أَنفَقُواْ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡۚ فَٱلصَّـٰلِحَٰتُ قَٰنِتَٰتٌ حَٰفِظَٰتٞ لِّلۡغَيۡبِ بِمَا حَفِظَ ٱللَّهُۚ وَٱلَّـٰتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَٱهۡجُرُوهُنَّ فِي ٱلۡمَضَاجِعِ وَٱضۡرِبُوهُنَّۖ فَإِنۡ أَطَعۡنَكُمۡ فَلَا تَبۡغُواْ عَلَيۡهِنَّ سَبِيلًاۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيّٗا كَبِيرٗا
Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili[6] ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila. Kaya ang mga maayos na babae ay mga masunurin, mga tagapag-ingat sa pagkaliban [ng mga asawa] sa iningatan ni Allāh. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay pangaralan ninyo sila [sa simula], iwan ninyo sila sa mga higaan [kung sumuway], at paluin ninyo sila [nang hindi masakit kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki.
[6] Ibig sabihin: mga tagapag-alaga at mga tagapag-aruga.
35 - An-Nisa (The Women) - 035
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ شِقَاقَ بَيۡنِهِمَا فَٱبۡعَثُواْ حَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهِۦ وَحَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن يُرِيدَآ إِصۡلَٰحٗا يُوَفِّقِ ٱللَّهُ بَيۡنَهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرٗا
Kung nangamba kayo sa isang hidwaan sa pagitan nilang dalawa ay magpadala kayo ng isang tagahatol mula sa mag-anak ng lalaki at isang tagahatol mula sa mag-anak ng babae. Kung magnanais silang dalawa ng isang pagsasaayos ay magpapatugma si Allāh sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Mapagbatid.
36 - An-Nisa (The Women) - 036
۞وَٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗا وَبِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡجَارِ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡجَارِ ٱلۡجُنُبِ وَٱلصَّاحِبِ بِٱلۡجَنۢبِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ مُخۡتَالٗا فَخُورًا
Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang naging isang hambog na mayabang.
37 - An-Nisa (The Women) - 037
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِ وَيَكۡتُمُونَ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
[Sila] ang mga nagmamaramot, nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot, at nagtatago ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
38 - An-Nisa (The Women) - 038
وَٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ وَمَن يَكُنِ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَهُۥ قَرِينٗا فَسَآءَ قَرِينٗا
[Sila] ang mga gumugugol ng mga yaman nila bilang pagpapakita sa mga tao at hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang ang demonyo para sa kanya ay naging isang kapisan, sumagwa ito bilang kapisan.
39 - An-Nisa (The Women) - 039
وَمَاذَا عَلَيۡهِمۡ لَوۡ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِهِمۡ عَلِيمًا
Ano [ang pinsala] sa kanila kung sakaling sumampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw at gumugol sila mula sa itinustos sa kanila ni Allāh? Laging si Allāh sa kanila ay Maalam.
40 - An-Nisa (The Women) - 040
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖۖ وَإِن تَكُ حَسَنَةٗ يُضَٰعِفۡهَا وَيُؤۡتِ مِن لَّدُنۡهُ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan na kasimbigat ng isang katiting. Kung may isang magandang gawa ay pag-iibayuhin Niya ito [sa gantimpala] at magbibigay Siya mula sa taglay Niya ng isang pabuyang mabigat.
41 - An-Nisa (The Women) - 041
فَكَيۡفَ إِذَا جِئۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةِۭ بِشَهِيدٖ وَجِئۡنَا بِكَ عَلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِ شَهِيدٗا
Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa mga ito bilang saksi?
42 - An-Nisa (The Women) - 042
يَوۡمَئِذٖ يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَعَصَوُاْ ٱلرَّسُولَ لَوۡ تُسَوَّىٰ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضُ وَلَا يَكۡتُمُونَ ٱللَّهَ حَدِيثٗا
Sa Araw na iyon ay mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya at sumuway sa Sugo na kung sana itatabon sa kanila ang lupa. Hindi sila makapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap.
43 - An-Nisa (The Women) - 043
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا
O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae[7] at hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka #magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.[8]
[7] Ibig sabihin: nakipagtalik kayo sa mga maybahay
[8] Tingnan ang Qur’an 5:90 tungkol sa ganap na pagbabawal sa pag-inom ng alak.
44 - An-Nisa (The Women) - 044
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يَشۡتَرُونَ ٱلضَّلَٰلَةَ وَيُرِيدُونَ أَن تَضِلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
Hindi ka ba nakaalam sa mga [Hudyong] binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Bumibili sila ng kaligawan at nagnanais sila na maligaw kayo ng landas.
45 - An-Nisa (The Women) - 045
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِأَعۡدَآئِكُمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَلِيّٗا وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ نَصِيرٗا
Si Allāh ay higit na maalam sa mga kaaway ninyo. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adya.
46 - An-Nisa (The Women) - 046
مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَيَقُولُونَ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَٱسۡمَعۡ غَيۡرَ مُسۡمَعٖ وَرَٰعِنَا لَيَّۢا بِأَلۡسِنَتِهِمۡ وَطَعۡنٗا فِي ٱلدِّينِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَا وَٱسۡمَعۡ وَٱنظُرۡنَا لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَقۡوَمَ وَلَٰكِن لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Mayroon sa mga nagpakahudyo na naglilihis sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito at nagsasabi: “Nakinig kami at sumuway kami,” “Makinig ka ng hindi pinaririnig,” at “Rā`inā” bilang pagpilipit sa mga dila nila at paninirang-puri sa relihiyon. Kung sakaling sila ay nagsabi: “Nakinig kami at tumalima kami,” “Makinig ka,” at “Tumingin ka sa amin,” talaga sanang iyon ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matuwid, subalit isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti.
47 - An-Nisa (The Women) - 047
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ ءَامِنُواْ بِمَا نَزَّلۡنَا مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُم مِّن قَبۡلِ أَن نَّطۡمِسَ وُجُوهٗا فَنَرُدَّهَا عَلَىٰٓ أَدۡبَارِهَآ أَوۡ نَلۡعَنَهُمۡ كَمَا لَعَنَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلسَّبۡتِۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولًا
O mga binigyan ng Kasulatan, sumampalataya kayo sa ibinaba Namin bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo bago pa Kami bumura ng mga mukha para magpabaling sa mga ito sa mga likuran ng mga ito, o sumumpa Kami sa kanila gaya ng pagsumpa Namin sa mga lumabag sa Sabath. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa.
48 - An-Nisa (The Women) - 048