البقرة

 

Al-Baqarah

 

The Cow

1 - Al-Baqarah (The Cow) - 001

الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm.[1]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

2 - Al-Baqarah (The Cow) - 002

ذَٰلِكَ ٱلۡكِتَٰبُ لَا رَيۡبَۛ فِيهِۛ هُدٗى لِّلۡمُتَّقِينَ
Ang Aklat[2] na ito ay walang pag-aalinlangan dito,[3] isang patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala,
[2] Sa istilo ng pagkakasalin dito, ang Aklat na may malaking titik A ay tumutukoy sa Qur’an. [3] O Ang Aklat na ito ay walang mapag-aalinlanganan; nasa loob nito ay patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala,

3 - Al-Baqarah (The Cow) - 003

ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡغَيۡبِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
na mga sumasampalataya sa nakalingid,[4] nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol,
[4] Ang bawat hindi natatalos ng mga pandama at nakalingid sa atin gaya ng kairalan ng mga anghel, mga jinn, Kabilang-buhay, Paraiso, at Impiyerno.

4 - Al-Baqarah (The Cow) - 004

وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ وَبِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
na mga sumasampalataya sa [Qur’ān na] pinababa sa iyo at sa pinababa bago mo[5] pa, at sa Kabilang-buhay sila ay nakatitiyak.
[5] Sa istilo ng pagsasalin dito, madalas na ang mga panghalip na ikaw, ka, mo, at iyo ay tumutukoy kay Propeta Muhammad.

5 - Al-Baqarah (The Cow) - 005

أُوْلَـٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

6 - Al-Baqarah (The Cow) - 006

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya – magkapantay sa kanila nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila – ay hindi sumasampalataya.

7 - Al-Baqarah (The Cow) - 007

خَتَمَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَعَلَىٰ سَمۡعِهِمۡۖ وَعَلَىٰٓ أَبۡصَٰرِهِمۡ غِشَٰوَةٞۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Magpapasak si Allāh sa mga puso nila at sa pandinig nila. Sa mga paningin nila ay may pambalot. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.

8 - Al-Baqarah (The Cow) - 008

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَمَا هُم بِمُؤۡمِنِينَ
Mayroon sa mga [mapagpaimbabaw] tao na nagsasabi: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Huling Araw,” samantalang hindi sila mga mananampalataya.

9 - Al-Baqarah (The Cow) - 009

يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَمَا يَخۡدَعُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ
Nagtatangka silang mandaya kay Allāh at sa mga sumampalataya samantalang hindi sila nandaraya maliban sa mga sarili nila habang hindi nila nararamdaman.

10 - Al-Baqarah (The Cow) - 010

فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَهُمُ ٱللَّهُ مَرَضٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمُۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ
Sa mga puso nila ay may sakit [ng pagdududa], at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng sakit. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit dahil sila dati ay nagsisinungaling.

11 - Al-Baqarah (The Cow) - 011

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ قَالُوٓاْ إِنَّمَا نَحۡنُ مُصۡلِحُونَ
Kapag sinabi sa kanila: “Huwag kayong tagagulo sa lupa,” nagsasabi sila: “Kami ay mga tagapagsaayos lamang.”

12 - Al-Baqarah (The Cow) - 012

أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡمُفۡسِدُونَ وَلَٰكِن لَّا يَشۡعُرُونَ
Pansinin, tunay na sila ay ang mga tagapagtiwali subalit hindi sila nakararamdam.

13 - Al-Baqarah (The Cow) - 013

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ ءَامِنُواْ كَمَآ ءَامَنَ ٱلنَّاسُ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ كَمَآ ءَامَنَ ٱلسُّفَهَآءُۗ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلسُّفَهَآءُ وَلَٰكِن لَّا يَعۡلَمُونَ
Kapag sinabi sa kanila: “Sumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga [maaayos na] tao” ay nagsasabi sila: “Sasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?” Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman.

14 - Al-Baqarah (The Cow) - 014

وَإِذَا لَقُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ إِلَىٰ شَيَٰطِينِهِمۡ قَالُوٓاْ إِنَّا مَعَكُمۡ إِنَّمَا نَحۡنُ مُسۡتَهۡزِءُونَ
Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami [gaya ninyo],” ngunit kapag nakipagsarilinan sila sa mga demonyo [na pinuno] nila ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kasama sa inyo; kami ay mga nangungutya lamang.”

15 - Al-Baqarah (The Cow) - 015

ٱللَّهُ يَسۡتَهۡزِئُ بِهِمۡ وَيَمُدُّهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Si Allāh ay nangungutya sa kanila at nagpapalawig sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.

16 - Al-Baqarah (The Cow) - 016

أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ فَمَا رَبِحَت تِّجَٰرَتُهُمۡ وَمَا كَانُواْ مُهۡتَدِينَ
Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay kaya hindi tumubo ang kalakalan[6] nila. Hindi sila noon mga napatnubayan.
[6] O pakikipagkalakalan.

17 - Al-Baqarah (The Cow) - 017

مَثَلُهُمۡ كَمَثَلِ ٱلَّذِي ٱسۡتَوۡقَدَ نَارٗا فَلَمَّآ أَضَآءَتۡ مَا حَوۡلَهُۥ ذَهَبَ ٱللَّهُ بِنُورِهِمۡ وَتَرَكَهُمۡ فِي ظُلُمَٰتٖ لَّا يُبۡصِرُونَ
Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng paghahalintulad sa nagpaningas ng apoy, ngunit noong tumanglaw ito sa nasa palibot niya ay nag-alis si Allāh sa liwanag nila at nag-iwan Siya[7] sa kanila sa mga kadiliman habang hindi sila nakakikita.
[7] Sa saling ito, ang mga panghalip na nagsisimula sa malaking titik gaya ng Ako, Kami, Siya, at Ikaw ay tumutukoy kay Allāh. Ang paggamit ni Allāh ng panghalip na maramihan ay ang tinatawag sa retorika na pluralis majestatis o pangmaramihan ng kamahalan.

18 - Al-Baqarah (The Cow) - 018

صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَرۡجِعُونَ
Mga bingi, na mga pipi, na mga bulag, kaya sila ay hindi bumabalik [mula sa pagkaligaw].

19 - Al-Baqarah (The Cow) - 019

أَوۡ كَصَيِّبٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَٰتٞ وَرَعۡدٞ وَبَرۡقٞ يَجۡعَلُونَ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِۚ وَٱللَّهُ مُحِيطُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
O gaya ng isang unos mula sa langit, na sa loob nito ay mga kadiliman, kulog, at kidlat. Naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila dahil sa mga lintik dala ng hilakbot sa kamatayan. Si Allāh ay Tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya.

20 - Al-Baqarah (The Cow) - 020

يَكَادُ ٱلۡبَرۡقُ يَخۡطَفُ أَبۡصَٰرَهُمۡۖ كُلَّمَآ أَضَآءَ لَهُم مَّشَوۡاْ فِيهِ وَإِذَآ أَظۡلَمَ عَلَيۡهِمۡ قَامُواْۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Halos ang kidlat ay tumangay sa mga paningin nila. Tuwing tumanglaw ito [sa daan] para sa kanila ay naglalakad sila rito at kapag nagpadilim ito sa ibabaw nila ay tumatayo sila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nag-alis Siya ng pandinig nila at mga paningin nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

21 - Al-Baqarah (The Cow) - 021

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ
O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,

22 - Al-Baqarah (The Cow) - 022

ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فِرَٰشٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ فَلَا تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan[8] at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam [na walang Tagalikha kundi si Allāh].
[8] O higaan o nakalatag.

23 - Al-Baqarah (The Cow) - 023

وَإِن كُنتُمۡ فِي رَيۡبٖ مِّمَّا نَزَّلۡنَا عَلَىٰ عَبۡدِنَا فَأۡتُواْ بِسُورَةٖ مِّن مِّثۡلِهِۦ وَٱدۡعُواْ شُهَدَآءَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod[9] Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo ng mga saksi ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat.
[9] Ang Lingkod na may malaking L ay tumutukoy kay Propeta Muḥammad (s).

24 - Al-Baqarah (The Cow) - 024

فَإِن لَّمۡ تَفۡعَلُواْ وَلَن تَفۡعَلُواْ فَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُۖ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ
Ngunit kung hindi kayo nakagawa – at hindi kayo makagagawa – ay mangilag kayo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato [na sinasamba]. Inihanda ito para sa mga tagatangging sumampalataya.

25 - Al-Baqarah (The Cow) - 025

وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ كُلَّمَا رُزِقُواْ مِنۡهَا مِن ثَمَرَةٖ رِّزۡقٗا قَالُواْ هَٰذَا ٱلَّذِي رُزِقۡنَا مِن قَبۡلُۖ وَأُتُواْ بِهِۦ مُتَشَٰبِهٗاۖ وَلَهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَهُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Sa tuwing tinutustusan sila mula sa mga ito ng bunga bilang panustos ay nagsasabi sila: “Ito ay ang itinustos sa amin bago pa niyan.” Bibigyan sila nito na nagkakawangisan [na nagkakaiba sa lasa]. Ukol sa kanila roon ay mga asawang dinalisay at sila ay doon mga mananatili.

26 - Al-Baqarah (The Cow) - 026

۞إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَسۡتَحۡيِۦٓ أَن يَضۡرِبَ مَثَلٗا مَّا بَعُوضَةٗ فَمَا فَوۡقَهَاۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فَيَعۡلَمُونَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَيَقُولُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۘ يُضِلُّ بِهِۦ كَثِيرٗا وَيَهۡدِي بِهِۦ كَثِيرٗاۚ وَمَا يُضِلُّ بِهِۦٓ إِلَّا ٱلۡفَٰسِقِينَ
Tunay na si Allāh ay hindi nahihiya na maglahad ng isang anumang paghahalintulad na isang lamok man saka anumang higit dito. Hinggil naman sa mga sumampalataya, nakaaalam sila na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila. Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, nagsasabi sila: “Ano ang ninais ni Allāh rito bilang paghahalintulad, na nagliligaw Siya sa pamamagitan nito sa marami at nagpapatnubay Siya sa pamamagitan nito sa marami, samantalang hindi Siya nagliligaw sa pamamagitan nito kundi sa mga suwail.

27 - Al-Baqarah (The Cow) - 027

ٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهۡدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مِيثَٰقِهِۦ وَيَقۡطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh matapos na ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at nanggugulo sa lupa, ang mga iyon ay ang mga lugi.

28 - Al-Baqarah (The Cow) - 028

كَيۡفَ تَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَكُنتُمۡ أَمۡوَٰتٗا فَأَحۡيَٰكُمۡۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin].

29 - Al-Baqarah (The Cow) - 029

هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ لَكُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَسَوَّىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖۚ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Siya ay ang lumikha para sa inyo ng nasa lupa nang lahatan. Pagkatapos lumuklok Siya sa langit at bumuo Siya sa mga ito bilang pitong langit. Siya sa bawat bagay ay Maalam.

30 - Al-Baqarah (The Cow) - 030

وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ إِنِّي جَاعِلٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ خَلِيفَةٗۖ قَالُوٓاْ أَتَجۡعَلُ فِيهَا مَن يُفۡسِدُ فِيهَا وَيَسۡفِكُ ٱلدِّمَآءَ وَنَحۡنُ نُسَبِّحُ بِحَمۡدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَۖ قَالَ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay maglalagay sa lupa ng isang kahalili.” Nagsabi sila: “Maglalagay Ka ba roon ng manggugulo roon at magpapadanak ng mga dugo samantalang kami ay nagluluwalhati sa kapurihan Mo at nagpapabanal sa Iyo?” Nagsabi Siya: “Tunay na ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman.”

31 - Al-Baqarah (The Cow) - 031

وَعَلَّمَ ءَادَمَ ٱلۡأَسۡمَآءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمۡ عَلَى ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةِ فَقَالَ أَنۢبِـُٔونِي بِأَسۡمَآءِ هَـٰٓؤُلَآءِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagturo Siya kay Adan ng mga pangalan sa kalahatan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya sa mga ito sa mga anghel at nagasabi: “Magbalita kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito kung kayo ay mga tapat.”

32 - Al-Baqarah (The Cow) - 032

قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ لَا عِلۡمَ لَنَآ إِلَّا مَا عَلَّمۡتَنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagsabi Sila: “Kaluwalhatian sa Iyo [O Allāh]! Walang kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong.”

33 - Al-Baqarah (The Cow) - 033

قَالَ يَـٰٓـَٔادَمُ أَنۢبِئۡهُم بِأَسۡمَآئِهِمۡۖ فَلَمَّآ أَنۢبَأَهُم بِأَسۡمَآئِهِمۡ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ غَيۡبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَأَعۡلَمُ مَا تُبۡدُونَ وَمَا كُنتُمۡ تَكۡتُمُونَ
Nagsabi Siya: “O Adan, magbalita ka sa kanila ng mga pangalan ng mga ito.” Kaya noong nagbalita ito sa kanila ng mga pangalan ng mga ito ay nagsabi Siya: “Hindi ba nagsabi Ako sa inyo tunay na Ako ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang dati ninyong ikinukubli?”

34 - Al-Baqarah (The Cow) - 034

وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ وَٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan];” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas.[10] Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.
[10] Si Satanas o Iblīs sa wikang Arabe ay isang jinn at hindi kabilang sa mga anghel.

35 - Al-Baqarah (The Cow) - 035

وَقُلۡنَا يَـٰٓـَٔادَمُ ٱسۡكُنۡ أَنتَ وَزَوۡجُكَ ٱلۡجَنَّةَ وَكُلَا مِنۡهَا رَغَدًا حَيۡثُ شِئۡتُمَا وَلَا تَقۡرَبَا هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Nagsabi Kami: “O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso at kumain kayong dalawa mula rito nang masagana saanman ninyong dalawa loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito dahil kayong dalawa ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”

36 - Al-Baqarah (The Cow) - 036

فَأَزَلَّهُمَا ٱلشَّيۡطَٰنُ عَنۡهَا فَأَخۡرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِۖ وَقُلۡنَا ٱهۡبِطُواْ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ وَلَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُسۡتَقَرّٞ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ
Ngunit nagpatisod sa kanilang dalawa ang demonyo palayo roon at nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi Kami: “Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.”

37 - Al-Baqarah (The Cow) - 037

فَتَلَقَّىٰٓ ءَادَمُ مِن رَّبِّهِۦ كَلِمَٰتٖ فَتَابَ عَلَيۡهِۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Saka nakatanggap si Adan mula sa Panginoon nito ng mga salita [ng paghingi ng kapatawaran] saka tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nito.[11] Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.
[11] Pinatawad ni Allāh si Adan sa unang kasalan nito ng pagsuway at pagkain ng bawal na bunga.

38 - Al-Baqarah (The Cow) - 038

قُلۡنَا ٱهۡبِطُواْ مِنۡهَا جَمِيعٗاۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدٗى فَمَن تَبِعَ هُدَايَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Nagsabi Kami: “Bumaba kayo mula rito nang lahatan. Kung may darating nga naman sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang mga sumunod sa patnubay Ko ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.”

39 - Al-Baqarah (The Cow) - 039

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَـٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.

40 - Al-Baqarah (The Cow) - 040

يَٰبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتِيَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِيٓ أُوفِ بِعَهۡدِكُمۡ وَإِيَّـٰيَ فَٱرۡهَبُونِ
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo at magpatupad kayo sa kasunduan sa Akin, magpapatupad Ako sa kasunduan sa inyo. Sa Akin ay mangilabot kayo.

41 - Al-Baqarah (The Cow) - 041

وَءَامِنُواْ بِمَآ أَنزَلۡتُ مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُمۡ وَلَا تَكُونُوٓاْ أَوَّلَ كَافِرِۭ بِهِۦۖ وَلَا تَشۡتَرُواْ بِـَٔايَٰتِي ثَمَنٗا قَلِيلٗا وَإِيَّـٰيَ فَٱتَّقُونِ
Sumampalataya kayo sa pinababa Ko bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo. Huwag kayong maging una na tagatangging sumampalataya rito. Huwag kayong bumili kapalit ng mga talata Ko [mula sa Qur’ān] ng isang kaunting panumbas. Sa Akin ay mangilag kayong magkasala.

42 - Al-Baqarah (The Cow) - 042

وَلَا تَلۡبِسُواْ ٱلۡحَقَّ بِٱلۡبَٰطِلِ وَتَكۡتُمُواْ ٱلۡحَقَّ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Huwag kayong maghalo sa katotohanan ng kasinungalingan ni magtago kayo ng katotohanan [tungkol sa pagdating ni Propeta Muḥammad] samantalang kayo ay nakaaalam [nito].

43 - Al-Baqarah (The Cow) - 043

وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱرۡكَعُواْ مَعَ ٱلرَّـٰكِعِينَ
Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at yumukod kayo kasama sa mga yumuyukod.

44 - Al-Baqarah (The Cow) - 044

۞أَتَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبِرِّ وَتَنسَوۡنَ أَنفُسَكُمۡ وَأَنتُمۡ تَتۡلُونَ ٱلۡكِتَٰبَۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Nag-uutos ba kayo sa mga tao ng pagsasamabuting-loob samantalang nakalilimot kayo sa mga sarili ninyo habang kayo ay bumibigkas ng Kasulatan? Saka hindi ba kayo nakapag-uunawa?

45 - Al-Baqarah (The Cow) - 045

وَٱسۡتَعِينُواْ بِٱلصَّبۡرِ وَٱلصَّلَوٰةِۚ وَإِنَّهَا لَكَبِيرَةٌ إِلَّا عَلَى ٱلۡخَٰشِعِينَ
Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na ito ay talagang mabigat maliban sa mga nagtataimtim [kay Allāh],

46 - Al-Baqarah (The Cow) - 046

ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَٰقُواْ رَبِّهِمۡ وَأَنَّهُمۡ إِلَيۡهِ رَٰجِعُونَ
na tumitiyak na sila ay mga makikipagkita sa Panginoon nila, at na sila tungo sa Kanya ay mga babalik [para gantihan].

47 - Al-Baqarah (The Cow) - 047

يَٰبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتِيَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ وَأَنِّي فَضَّلۡتُكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo, at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang [para sa pagkapropeta].

48 - Al-Baqarah (The Cow) - 048

وَٱتَّقُواْ يَوۡمٗا لَّا تَجۡزِي نَفۡسٌ عَن نَّفۡسٖ شَيۡـٔٗا وَلَا يُقۡبَلُ مِنۡهَا شَفَٰعَةٞ وَلَا يُؤۡخَذُ مِنۡهَا عَدۡلٞ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang pamamagitan, ni kukuha mula sa kanya ng isang panumbas, ni sila ay iaadya.

49 - Al-Baqarah (The Cow) - 049

وَإِذۡ نَجَّيۡنَٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ
[Banggitin] noong nagligtas Kami sa inyo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.

50 - Al-Baqarah (The Cow) - 050

وَإِذۡ فَرَقۡنَا بِكُمُ ٱلۡبَحۡرَ فَأَنجَيۡنَٰكُمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ
[Banggitin] noong naghati Kami para sa inyo ng dagat kaya pinaligtas Namin kayo at nilunod Namin ang angkan ni Paraon habang kayo ay nakatingin.

51 - Al-Baqarah (The Cow) - 051

وَإِذۡ وَٰعَدۡنَا مُوسَىٰٓ أَرۡبَعِينَ لَيۡلَةٗ ثُمَّ ٱتَّخَذۡتُمُ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَنتُمۡ ظَٰلِمُونَ
[Banggitin] noong nakipagtipan Kami kay Moises nang apatnapung gabi. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan.

52 - Al-Baqarah (The Cow) - 052

ثُمَّ عَفَوۡنَا عَنكُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Pagkatapos nagpaumanhin Kami sa inyo matapos na niyon, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

53 - Al-Baqarah (The Cow) - 053

وَإِذۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡفُرۡقَانَ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
[Banggitin] noong nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at Pamantayan [ng tama at mali], nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.

54 - Al-Baqarah (The Cow) - 054

وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ إِنَّكُمۡ ظَلَمۡتُمۡ أَنفُسَكُم بِٱتِّخَاذِكُمُ ٱلۡعِجۡلَ فَتُوبُوٓاْ إِلَىٰ بَارِئِكُمۡ فَٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ عِندَ بَارِئِكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo sa guya [bilang diyus-diyusan] kaya magbalik-loob kayo sa Tagapaglalang ninyo at patayin ninyo ang mga [may-salang] kapwa ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang Tagapaglalang ninyo;” saka tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ninyo. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.

55 - Al-Baqarah (The Cow) - 055

وَإِذۡ قُلۡتُمۡ يَٰمُوسَىٰ لَن نُّؤۡمِنَ لَكَ حَتَّىٰ نَرَى ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡكُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ
[Banggitin] noong magsabi kayo: “O Moises, hindi kami sasamplataya sa iyo hanggang sa makakita kami kay Allāh nang hayagan.” Kaya dumaklot sa inyo ang lintik habang kayo ay nakatingin.

56 - Al-Baqarah (The Cow) - 056

ثُمَّ بَعَثۡنَٰكُم مِّنۢ بَعۡدِ مَوۡتِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Pagkatapos bumuhay Kami sa inyo matapos na ng kamatayan ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

57 - Al-Baqarah (The Cow) - 057

وَظَلَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡغَمَامَ وَأَنزَلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰۖ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Naglilim Kami sa inyo ng mga ulap at nagpababa Kami sa inyo ng manna at mga pugo, [na nagsasabi]: “Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo.” Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalalabag sa katarungan.

58 - Al-Baqarah (The Cow) - 058

وَإِذۡ قُلۡنَا ٱدۡخُلُواْ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةَ فَكُلُواْ مِنۡهَا حَيۡثُ شِئۡتُمۡ رَغَدٗا وَٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا وَقُولُواْ حِطَّةٞ نَّغۡفِرۡ لَكُمۡ خَطَٰيَٰكُمۡۚ وَسَنَزِيدُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
[Banggitin] noong nagsabi Kami: “Magsipasok kayo sa pamayanang ito at kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin nang masagana. Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod. Magsabi kayo: “Pag-aalis-sala,” magpapatawad Kami sa inyo sa mga kasalanan ninyo at magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa.

59 - Al-Baqarah (The Cow) - 059

فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ قَوۡلًا غَيۡرَ ٱلَّذِي قِيلَ لَهُمۡ فَأَنزَلۡنَا عَلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagpababa Kami sa mga lumabag sa katarungan ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay nagpapakasuwail.

60 - Al-Baqarah (The Cow) - 060

۞وَإِذِ ٱسۡتَسۡقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ فَقُلۡنَا ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡحَجَرَۖ فَٱنفَجَرَتۡ مِنۡهُ ٱثۡنَتَا عَشۡرَةَ عَيۡنٗاۖ قَدۡ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٖ مَّشۡرَبَهُمۡۖ كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ مِن رِّزۡقِ ٱللَّهِ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
[Banggitin] noong humiling ng tubig si Moises para sa mga kalipi niya kaya nagsabi Kami: “Humampas ka ng tungkod mo sa bato.” Kaya bumulwak mula roon ang labindalawang bukal. Nakaalam nga ang bawat [pangkat ng] mga tao sa inuman nila. Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni Allāh at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.

61 - Al-Baqarah (The Cow) - 061

وَإِذۡ قُلۡتُمۡ يَٰمُوسَىٰ لَن نَّصۡبِرَ عَلَىٰ طَعَامٖ وَٰحِدٖ فَٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُخۡرِجۡ لَنَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۢ بَقۡلِهَا وَقِثَّآئِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَاۖ قَالَ أَتَسۡتَبۡدِلُونَ ٱلَّذِي هُوَ أَدۡنَىٰ بِٱلَّذِي هُوَ خَيۡرٌۚ ٱهۡبِطُواْ مِصۡرٗا فَإِنَّ لَكُم مَّا سَأَلۡتُمۡۗ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ وَٱلۡمَسۡكَنَةُ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ
[Banggitin] noong nagsabi kayo: “O Moises, hindi kami makatitiis sa nag-iisang [pares ng] pagkain; kaya manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalabas Siya para sa amin ng pinatutubo ng lupa gaya ng mga halaman nito, mga pipino nito, mga bawang nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito.” Nagsabi [si Moises]: “Magpapalit ba kayo ng higit na hamak sa higit na mabuti? Bumaba kayo sa isang kabayanan sapagkat tunay na ukol sa inyo ang hiningi ninyo.” Itinatak sa kanila ang kaabahan at ang karukhaan at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila, at sila noon ay lumalabag.

62 - Al-Baqarah (The Cow) - 062

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلنَّصَٰرَىٰ وَٱلصَّـٰبِـِٔينَ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Tunay na ang mga sumampalataya [bago ni Propeta Muḥammad], ang mga nagpaka-Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Sabeano – ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos – ay ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.

63 - Al-Baqarah (The Cow) - 063

وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nag-uutos]: “Tanggapin ninyo ang [Torah na] ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at alalahanin ninyo ang anumang narito, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.”

64 - Al-Baqarah (The Cow) - 064

ثُمَّ تَوَلَّيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۖ فَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَكُنتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Pagkatapos tumalikod kayo matapos na niyon, ngunit kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya ay talaga sanang kayo ay naging kabilang sa mga lugi.

65 - Al-Baqarah (The Cow) - 065

وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلَّذِينَ ٱعۡتَدَوۡاْ مِنكُمۡ فِي ٱلسَّبۡتِ فَقُلۡنَا لَهُمۡ كُونُواْ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ
Talaga ngang nakaalam kayo sa lumabag kabilang sa inyo sa Sabath, at nagsabi Kami sa kanila: “Maging mga unggoy kayo na itinataboy!”

66 - Al-Baqarah (The Cow) - 066

فَجَعَلۡنَٰهَا نَكَٰلٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهَا وَمَا خَلۡفَهَا وَمَوۡعِظَةٗ لِّلۡمُتَّقِينَ
Kaya gumawa Kami rito bilan

Scroll to Top