الفاتحة
Al-Fatihah
The Opener
1 - Al-Fatihah (The Opener) - 001
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allāh,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain.
[1] Ang pangalang Allāh ay pangngalang pantanging ukol lamang sa tunay na Diyos.
2 - Al-Fatihah (The Opener) - 002
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon[2] ng mga nilalang,[3]
[2] Ang Panginoon (Rabb sa wikang Arabe) ay ang Tagapag-alaga, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, at ang Tagapangsiwa.
[3] Ang nilalang (`ālam sa wikang Arabe) ay ang bawat anumang iba pa kay Allāh, gaya ng tao, jinn, anghel, at iba pa.
3 - Al-Fatihah (The Opener) - 003
ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ang Napakamaawain, ang Maawain,
4 - Al-Fatihah (The Opener) - 004
مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
5 - Al-Fatihah (The Opener) - 005
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ
Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
6 - Al-Fatihah (The Opener) - 006
ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:
7 - Al-Fatihah (The Opener) - 007