Napahahanga ba kayo mula sa paninibugho ni Sa`d? Sumpa man kay Allāh, talagang ako ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya at si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa akin. Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakatago. Walang personang higit na mapanibughuin kaysa kay Allāh.
Ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi si Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya: "Kung sakaling nakakita ako ng isang lalaki kasama ng maybahay ko, talagang tinaga ko na sana iyon ng tabak, hindi ng gilid buhat dito." Nakaabot iyon sa…

