Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}
Explanation
Benefits
Ang balitang nakagagalak mula kay Allāh para sa mga maninirahan sa Paraiso hinggil sa pagkalugod Niya sa kanila, pagpapadapo ng kaluguran Niya sa kanila, at kawalan ng pagkainis Niya magpakailanman.
Ang pagkalugod ng bawat sinumang nasa Paraiso sa kalagayan niya sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga katayuan nila at pagsasarisari ng mga antas nila dahil ang lahat ay sumagot sa iisang pananalita: "... nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?"
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

