O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paggawa ng mga kabutihan; humihiling sa Iyo ng pag-iwan sa mga nakasasama, pag-ibig sa mga dukha, na magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at kapag nagnais Ka ng isang ligalig sa mga tao, papanawin Mo ako nang hindi niligalig; at humihiling sa Iyo ng pag-ibig Mo, pag-ibig ng sinumang umiibig sa Iyo, at pag-ibig sa isang gawaing nagpapalapit sa pag-ibig Mo.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nahadlangan sa amin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga sa dasal sa madaling-araw hanggang sa kami ay halos nakatatanaw sa mata ng araw kaya lumabas siya nang mabilis, a…

