May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pagkatapos ay humusga siya na ang bata ay para sa babae at pinaghiwalay niya ang nagpalitan ng sumpa.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila…

