HadeethEnc · 1.49.0
Ang bayad sa aso ay marumi. Ang kaloob sa patotot ay marumi. Ang kinita ng mambabakam ay marumi.
Available translations
Choose an available translation of this Hadeeth
01
Hadeeth text
Ayon kay Rāfi` bin Khudayj, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang bayad sa aso ay marumi. Ang kaloob sa patotot ay marumi. Ang kinita ng mambabakam ay marumi."
02
Explanation
Nililinaw sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga kinikitang marumi at kalait-lait upang iwasan natin at piliin ang mga kinikitang kaaya-aya at marangal. Kabilang sa mga iyon ang bayad sa aso, ang upa sa patotot sa pangangalunya nito, at ang kinita ng mambabakam.
Attribution
[Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Categories
Share
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

