Bagkus magsabi kayo (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang talata (Qur'ān 2:284)]: {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili…

