Bagkus magsabi kayo (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang talata (Qur'ān 2:284)]: {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si Allāh, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.}, tumindi iyon sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos lumuhod sila sa mga tuhod saka nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, inatangan kami ng mga gawain na hindi namin nakakayanan: ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang pakikibaka, at ang pagkakawanggawa. Ibinaba nga sa iyo ang talatang ito at hindi namin nakakayanan ito." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagnanais ba kayo na magsabi kayo ng gaya ng sinabi ng [dalawang pangkat ng] mga May Kasulatan bago pa ninyo: {Nakarinig kami at sumuway kami.}? Bagkus magsabi kayo (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}" Nagsabi naman sila (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.} Noong bumigkas nito ang mga tao, umamo dahil dito ang mga dila nila saka nagpababa si Allāh kasunod agad nito (Qur'ān 2:285): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."} Noong nagawa nila iyon, nagpawalang-bisa nito si Allāh saka nagpababa si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – (Qur'ān 2:286): {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang kinamit nito at laban dito ang nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon.} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.} Nagsabi naman Siya: "Oo."}
Explanation
Benefits
Ang pagpapatibay sa pagpapawalang-bisa [sa ilang talata] sa Marangal na Qur'ān at na may bahagi ng Qur'ān na binibigkas subalit pinawalang-bisa ang kahatulan nito kaya hindi ito isinasagawa.
Ang kainaman ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila), ang pagpapasailalim nila at ang pagpapasakop nila sa utos ni Allāh, at ang pagsunod nila sa utos ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Ang taglay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na katindihan ng pangamba niya para sa Kalipunan niya na tumahak ito sa tinahakan ng mga naunang kalipunan sa pagtutol sa anumang ginawa nila sa mga utos ni Allāh (napakataas Siya).
Ang pagkakinakailangan ng pagpapasakop sa utos ni Allāh (napakataas Siya) at ang pag-iingat laban sa pagtutol sa utos Niya at na ito ay may pakikipagwangis sa mga May Kasulatan.
Ang paglilinaw sa kainaman ng Kalipunang ito higit sa mga naunang kalipunan yayamang sila ay nagsabi sa mga propeta nila: "Nakarinig kami at sumuway kami" samantalang ang Kalipunang ito ay nagsabi: "Nakarinig kami at tumalima kami."
Ang paglilinaw sa kainaman ng Kalipunang ito dahil sa pagpawi ng kaasiwaan dito at pagtugon ng panalangin sa hindi pagpapanagot dahil sa pagkalimot at pagkakamali, pagpawi ng mga pabigat na nasa mga bago pa nila, at hindi pagpapapasan dito ng anumang hindi nito nakakayanan.
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay hindi nagpapapasan sa atin ng anumang walang lakas para sa atin doon at hindi nag-aatang sa atin kundi ng kaya natin. Ang mga pasaring na bumabagabag sa mga dibdib natin kapag hindi tayo natatahimik sa mga ito at hindi tayo napanatag sa mga ito, tunay na ang mga ito ay hindi nakapipinsala.
Ang panalanging ito ay ipinampabatid ni Allāh (napakataas Siya) tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga mananampalataya at inilagay Niya ito sa Aklat Niya upang ito ay maging panalangin ng sinumang darating matapos ng Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan) at mga Kasamahan (malugod Siya sa kanila) kaya ito ay kabilang sa panalangin na nararapat na maisaulo at maipandalangin nang madalas.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

