Tunay na siya, kahit pa man hindi naging anak na panguman ko, ay hindi ipinahihintulot sa akin. Tunay na siya ay talagang anak ng kapatid ko sa pagpapasuso. Pinasuso ako at si Abū Salamah ni Thuwaybah, kaya huwag ninyong iaalok sa akin ang mga anak ninyo ni ang mga kapatid ninyo.
Ayon kay Umm Ḥabībah bint Abī Sufyān, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, pakasalan mo ang kapatid kong anak ni Abū Sufyān." Nagsabi siya: "At naiibigan mo ba iyon?" Nagsabi ako: "Opo; Ako ay hindi nakasosolo sa iyo. Ang pinak…

