Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
Explanation
Ang kahubaran (`awrah) ay ang bawat ikahihiya kapag nalantad. Ang kahubaran ng lalaki ay ang nasa pagitan ng pusod niya at tuhod niya. Ang babae sa kabuuan niya ay kahubaran hinggil sa pagkakaugnay sa mga lalaking estranghero. Hinggil sa pagkakaugnay sa mga babae at sa mga maḥram niya, tunay na siya ay makapaglalantad ng nalalantad ayon sa nakahiratian sa sandali ng trabaho niya sa bahay.
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makisukob ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad o na makisukob ang babae sa babae sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad dahil iyon ay maaaring mauwi sa pagkasaling ng bawat isa sa kanilang dalawa sa kahubaran ng kasamahan niya. Ang pagsaling ng `awrah ay sinasaway gaya ng pagtingin dito; bagkus ito ay higit na matindi sa pagkasaway dahil nauuwi iyon sa mga katiwaliang higit na malaki.
Benefits
Ang pagsisigasig ng Islām sa kadalisayan ng lipunan at pagsasara sa mga daang nauuwi sa mga kahalayan.
Ang pagpayag sa pagtingin sa kahubaran kapag nanawagan ang pangangailangan doon gaya ng pagpapadoktor at tulad nito sa kundisyon na ito ay maging walang pagnanasa.
Ang Muslim ay inuutusan ng pagtatakip ng kahubaran niya at pagbaba ng paningin niya palayo sa kahubaran ng iba.
Itinangi ang pagsaway sa mga lalaki kasama ng mga lalaki at sa mga babae kasama ng mga babae dahil ito ay higit na mapag-anyaya sa pagtingin at paglalantad ng mga kahubaran.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

