Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}
Explanation
Benefits
Sumasaklaw ang pagtatraidor na pinagbabantaan sa bawat sinumang nagtiwala sa iyo sa isang buhay o isang dangal o isang lihim isang ari-arian saka nagtaksil ka sa kanya at sumira ka sa palagay niya sa pagtitiwala sa iyo.
Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Ang pakikipag-usap na ito mula sa kanya ay para sa mga Arabe dahil sa tulad ng ginagawa dahil sila ay nag-aangat para sa pagtupad ng isang puting watawat at para sa katraiduran ng isang itim na watawat upang sisihin nila ang traidor at pulaan nila ito kaya humihiling ang ḥadīth ng pagkasadlak ng tulad niyon sa traidor upang mapatanyag siya sa katangian niya sa Araw ng Pagbangon para pulaan siya ng mga tao sa Tindigan (Mawqif).
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito na ang mga ito ay tatawagan sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng mga ama nila batay sa pagkasabi rito: "Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

