Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}
Explanation
Benefits
Ang demonyo ay nagpupunyagi sa pagpapasadlak sa mga alitan, pagkamuhi, mga digmaan, at mga sigalot sa gitna ng mga Muslim.
Kabilang sa mga benepisyo ng ṣalāh sa Islām ay na ito ay nangangalaga sa pagmamahalan sa gitna ng mga Muslim at nagpapalakas sa mga bigkis ng kapatiran sa gitna nila.
Ang ṣalāh ay ang pinakadakila sa mga sagisag ng Relihiyon matapos ng Dalawang Pagsaksi. Dahil doon, itinaguri sa mga Muslim ang katawagang mga nagdarasal.
Ang Tangway ng Arabya ay may mga kakanyahang wala sa iba rito kabilang sa mga bayan.
Kung sinabing naganap na sa isang bahagi ng Tangway ng Arabya ang pagsamba sa mga anito samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal ...," ito ay isang pagpapabatid tungkol sa naganap sa sarili ng demonyo na pagkawala ng pag-asa dahil sa nakita niya ang mga pagsakop at ang pagpasok ng mga tao sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong. Kaya ang ḥadīth ay nagpabatid tungkol sa palagay ng demonyo at inaasahan nito, pagkatapos ang reyalidad ay kasalungatan niyon dahil sa isang kasanhiang ninanais ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

