Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga guhit at nagsabi: 'Ito ang tao at ito ang taning niya at habang siya ay ganoon, dumating pala ang guhit na pinakamalapit.'
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga guhit at nagsabi: 'Ito ang tao at ito ang taning niya at habang siya ay ganoon, dumating na pala ang guhit na pinakamalapit.'" Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang guhit na parisukat. Gumuhit siya ng isang guhit sa gitna palabas mula rito. Gumuhit siya ng mga guhit na maliliit papunta sa [guhit] na ito sa gitna sa gilid nito na nasa gitna. Nagsabi siya: 'Ito ang tao at ito ang taning niyang pumapaligid sa kanya o nakapaligid na sa kanya. Itong palabas ay ang pag-asa niya. Itong mga guhit na maliliit ay ang mga kasawian. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan."
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

