Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Explanation
Benefits
Ang pagsubok sa pamamagitan nito mismo ay nagtatakip-sala sa mga pagkakasala sa kundisyong may pananampalataya. Kaya kapag nagtiis ang tao at hindi nainis, pabubuyaan siya.
Ang paghimok sa pagtitiis sa lahat ng mga bagay kaugnay sa iniibig niya at kinasusuklaman niya. Magtitiis siya nang sa gayon makaganap siya ng inobliga ni Allāh sa kanya at makapagtitiis siya nang sa gayon makalayo siya sa ipinagbawal ni Allāh, makaasa siya sa gantimpala ni Allāh, at matakot siya sa parusa Nito.
Ang sabi niya: "sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya" na may karagdagang pananalitang "babaing mananampalataya" ay may isang patunay sa karagdagan na pagbibigay-diin para sa babae; at kung hindi man, kung sakaling nagsabi siya ng: "mananampalataya," talagang napaloob sana rito ang babae dahil iyon ay hindi natatangi sa lalaki. Kapag naganap ang pagsubok sa babae, gayon din, siya ay pinangangakuan ng tulad ng ganting ito ng pagtatakip-sala sa mga pagkakasala at mga kasalanan.
Kabilang sa nagpapagaan sa tao sa dinaranas niya na mga sakit nang magkakasunod ang kainamang inireresulta sa pagsubok.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

