O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abu Al-`Abbās `Abdillāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkabuklod ito na magpakinabang sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapagpapakinabang sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh para sa iyo; at kung nagkabuklod sila na puminsala sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapipinsala sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga kalatas."} Sa isa namang salaysay na iba pa sa kay Imām At-Tirmidhīy: "Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa harapan mo. Magpakakilala ka kay Allāh sa kaalwanan, kikilala Siya sa iyo sa kagipitan. Alamin mo na ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo at ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo. Alamin mo na ang pagkaadya ay kasama ng pagtitiis, na ang pagkagalak ay kasama ng dalamhati, at na kasama ng hirap ay ginhawa."
Explanation
Benefits
Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
Ang pag-uutos ng pagsandal kay Allāh at pananalig sa Kanya bukod sa iba sa Kanya. Siya ay kay inam bilang Pinananaligan.
Ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda at ang pagkalugod dito at na si Allāh ay nagtakda nga ng bawat bagay.
Ang sinumang nagpabaya sa utos ni Allāh, tunay na si Allāh ay magpapabaya sa kanya at hindi mag-iingat sa kanya.
Ang dakilang nagagalak na balita ay na ang tao, kapag dumapo sa kanya ang hirap, ay maghintay siya ng ginhawa.
Ang pagpapalubag-loob sa tao sa sandali ng pagkatamo ng kasawian at pagkaalpas ng naiibigan ay nasaad sa sabi niya: "Alamin mo na ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo." Ang unang sugnay ay pagpapalubag-loob sa pagkatamo ng kinasusuklaman at ang ikalawa ay pagpapalubag-loob sa pagkaalpas ng naiibigan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

