Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah `Abdirraḥmān bin Ṣakhr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga bago pa ninyo dahil sa dami ng mga pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."}
Explanation
Benefits
Ang pagsaway ay hindi nagpipermiso sa paggawa ng anuman mula sa sinasaway at ang pag-uutos ay nilimitahan ayon sa kakayahan dahil ang pagtigil ay nakakaya at ang paggawa ay nangangailangan ng kakayahan sa pagpapairal ng gawaing ipinag-uutos.
Ang pagsaway laban sa dami ng pagtatanong. Hinati ng mga maalam ang pagtatanong sa dalawang bahagi. Ang isa sa dalawa ay sa anyo ng pagtuturo ng kinakailangan na nauukol sa Relihiyon. Ito ay ipinag-uutos at kabilang sa uring ito ang mga tanong ng mga Kasamahan. Ang ikalawa ay sa anyo ng pangungulit at pagkukunwari. Ito ang sinasaway.
Ang pagbibigay-babala sa Kalipunang ito laban sa pagsalungat sa Propeta nito, gaya ng naganap sa mga kalipunang bago nito.
Ang sinasaway ay sumasaklaw sa kaunti at marami dahil hindi magagawa ang pag-iwas nito maliban sa pag-iwas sa kaunti nito at marami nito. Halimbawa: Sumaway siya sa atin laban sa patubo (ribā) kaya sumasaklaw ito sa kaunti nito at marami nito.
Ang pag-iwan sa mga kadahilanang humahantong sa ipinagbabawal dahil iyon ay kabilang sa kahulugan ng pag-iwas.
Hindi nararapat sa tao, kapag nakarinig siya ng utos ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na magsabi: "Iyan kaya ay kinakailangan o kaibig-ibig," bagkus kailangan sa kanya ang pagdadali-dali sa paggawa, batay sa sabi nito: "gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo."
Ang dami ng pagtatanong ay isang kadahilanan ng kasawian, lalo na sa mga bagay-bagay na hindi maaari ang pag-abot ng isip sa mga iyon tulad ng mga usaping pangnakalingid (ghayb) at paglalarawan sa mga kalagayan ng Araw ng Pagbangon. Huwag kang magparami ng tanong hinggil sa mga ito sapagkat mapapahamak ka at ikaw ay magiging isang nagpapakaselan-selang nagpapakalalim-lalim.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

