Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes."}
Explanation
Benefits
Ang paghimok sa pagpaparami ng mga maayos na gawain sa araw ng Biyernes at ang pagpapakahanda sa pagtamo ng awa ni Allāh (napakataas Siya) at pagtulak ng salot Niya.
Ang mga kakanyahang ito ng araw ng Biyernes na binaggit sa ḥadīth ay sinabi na ang mga ito ay hindi para sa pagbanggit ng kainaman ng araw ng Biyernes dahil ang pagpapalabas kay Adan at ang pagsapit ng Huling Sandali ay hindi na kabilang sa kainaman, at sinabi: bagkus ang lahat ng mga ito ay mga kainaman at ang paglabas ni Adan ay kadahilanan ng pagkakaroon ng mga supling na mga sugo, mga propeta, at mga maayos na tao; at ang pagsapit ng Huling Sandali ay kadahilanan ng pagmamadali sa pagganti sa mga maayos na tao at pagtamo nila ng inihanda ni Allāh para sa kanila na mga karangalan.
May binanggit para sa araw ng Biyernes na mga iba pang kakanyahang iba sa binanggit sa salaysay na ito. Kabilang sa mga ito: dito tinanggap ang pagbabalik-loob ni Adan, dito siya kinuha, at dito ay may oras na hindi natatapatan ng isang lingkod na mananampalataya habang siya ay nagdarasal na humihiling kay Allāh ng anuman malibang magbibigay si Allāh sa kanya nito.
Ang pinakamainam sa mga araw ng taon ay ang Araw ng `Arafah. Sinabi ring ang Araw ng Pag-aalay. Ang pinakamainam sa mga araw ng linggo ay ang araw ng Biyernes. Ang pinakamainam na gabi ay ang Gabi ng Pagtatakda.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

