Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allāh, ang nalaman ko ay na siya ay nagmamahal kay Allāh at sa Sugo Niya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaki sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pangalan ay `Abdullāh. Ito noon ay tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humagupit dito dahil sa pag-inom [ng alak]. Dinala na naman ito isang araw saka hinagupit ito kaya may nagsabing isang tao kabilang sa mga tao: "O Allāh, sumpain Mo siya! Anong dami ng paghahatid sa kanya!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allāh, ang nalaman ko ay na siya ay nagmamahal kay Allāh at sa Sugo Niya."}
Explanation
Benefits
Ang nakagawa ng malaking kasalanan – kapag namatay ito habang ito ay nagpupumilit sa anuman sa malaking kasalanan – ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh: kung loloobin ni Allāh ay magpapatawad Siya rito at kung lololoobin Niya ay magdudulot Siya rito ng pagdurusa. Hindi mamamalagi sa Impiyerno ang isa sa mga alagad ng Islām.
Ang pagkasuklam sa pagsumpa sa natukoy na umiinom ng alak dahil sa pagkasaposibilidad ng pag-iral ng isang tagahadlang sa pag-ukol ng pagsumpa at dahil ang pagsumpa sa natukoy at ang pagdalangin laban sa kanya ay maaaring magtulak sa kanya sa pamamalagi [sa pag-inom] o magsawalang-pag-asa sa kanya palayo mula sa pagtanggap ng pagbabalik-loob niya.
Ang pagpayag sa pagsumpa nang hindi tinutukoy ang nailalarawan sa kasalanang iyon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

