Ano ang mayroon sa akin at mayroon sa Mundo? Walang iba ako sa Mundo kundi gaya ng isang pasaherong nagpalilim sa ilalim ng isang punong-kahoy pagkatapos umalis at nag-iwan niyon."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Natulog ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang banig saka bumangon siya at nagpabakas nga ito sa gilid niya kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, kung gumawa kaya kami para sa iyo ng isang kutson." Kaya nagsabi siya: "Ano ang mayroon sa akin at mayroon sa Mundo? Walang iba ako sa Mundo kundi gaya ng isang pasaherong nagpalilim sa ilalim ng isang punong-kahoy pagkatapos umalis at nag-iwan niyon."}
Explanation
Benefits
Hindi nasaad sa ḥadīth ang pagwaksi sa hindi maiwasan mula sa Mundo. Tanging ang pagkaabala rito sa halip ng Kabilang-buhay sapagkat tunay na ang tao ay nagpalilim sa punong-kahoy at nagbenepisyo mula rito alang-alang sa pagdating niya at hindi naman sumalig doon.
Ang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat tunay na siya ay ang magandang huwaran at na ang sinumang tumunton sa mga bakas niya ay mapatnunubayan at magtatagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pag-ibig nila sa kanya.
Ang pagkaisinasabatas ng paglalahad ng mga paghahalintulad kaugnay sa pag-aanyaya (da`wah) at pagtuturo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

